Jump to navigation

 

 

Tuesday, October 25, 2005

MANILA : Let's Meet

"I was supposed to blog about the ambitious Chonge Cheon recently but my attention was caught by 10 seconds advertisement on Discovery channel and it is all about Manila.... Manila ... I keep coming back to Manila... Simply no place like Manila.... Manila I'm coming home..."

Sa matagal na paghihintay at pagkadismaya sa tuwing makikita ko ang advertisement ng Malayasia: Truly Asia, Cambodia : the Newest Destination in Asia, Magnificent and Incredible India.. At lalong nadaragdagan kung maiisip ko ang SEAG games na gaganapin sa Pilipinas ay wala pa rin samantalang ang EAG na gaganapin sa Macau ay meron na sa CNN.. Meron na din ang APEC na gaganpin sa Busan... Pero atlas .... sa wakas ito na ang beat ko at ang sariling akin... Manila : Let's Meet, medyo nakakapag-isip kung bakit Manila ang sentro ngayon ng promotion ng Philippine Tourism sa kabila ng kabi-kabilang rally at kaguluhan sa kalunsuran. Sa ibang local channel ay may mga lumang ads. na rin ang Pilipinas katulad ng Wow Philippines sa X-channel at sa OCN na naka-sentro naman sa Philippine countryside o mga beach resorts. Pero etong bago sa Discovery Channel ( ewan ko lang kung bago nga ito) ay simply Manila, Baket nga kaya...

Siguro kaya ang tema ay Manila: Let's Meet, dahil paanyaya ito sa mga investor to invest in the Philippines, alam naman natin ang business hub ng Pilipinas ay ang Manila. Pero teka baket nga kaya Manila? Siguro panawagan ito sa lahat ng pinoy na bukod sa dark side of Manila ( Rally, Basura etc) ay mayroon din naman halos kalahating natitirang kagandahan ang kalunsuran na maari pang paunlarin. Panawagan din siguro para palakasin ang nasyonalismo at gamutin natin ang sakit ng Maynila kasabay ng pagamot natin sa ating sari-sariling Kolonyal na pag-iisip... Sa ads na ito napa-isip ako dun sa ibang blogger ( kasama na siguro ako) na nagsusulat ng DARK Side ( politics, corruption etc.) ng Pilipinas kasabay na pagpopost ng magagandang pictures ng iba't-ibang landscaped ng ibang bansa, pero ano nga kaya ang ginawa nila (namin) para sa Pilipinas.

Siguro hindi ko na hihintay at hindi na ako madidismaya kung wala pa sa CNN ang ads ng SEAG o kahit anong lugar sa Pilipinas dahil andoon naman at maliwanag na PILIPINAS si Veronica Pedrosa... kahit na mahilig sa damit na dilaw , may pirat at nagpa-flasher na ilong okey na rin at PINOY na PINOY talaga... Hindi ko na rin bibisitahin ang blog ni Bighominid in Korea dahil may mga asteeg namang PINAY blogger dito mismo sa PENINSULA.. eto na sila... mga dinaig pa si DARNA at mga Gabriela...


###########################
Photo credits : google image search lolz, anna banana

Muling paglayag ni Jun at Tuesday, October 25, 2005

|