Jump to navigation

 

 

Sunday, August 21, 2005

Hyewhadong Escapades : Sa Tahanan ni Amang at Replika ni Inang

Isang nagmamadaling umaga ang kinaharap ko ngayong linggo para sa mahigit 3 oras na pagtitipon. Mula sa liwasan ng tren tumatakbo akong lumbas at binagtas ang kahabaan ng Daehangno. Ewan ko ba! kung bakit naging ritwal na para sa akin sa tuwing dadalo ng pagtitipon ay kailangan dumaan sa Cummunal Room at ma-interrogate.

.....Nang Ma-interrogate sa Cummunal Room
Kaya't nakipagsiksikan ako sa isang mahabang pila sa loob ng Cummunal Room na matatagpuan sa ilalim ng isang coffe shop sa may gilid ng St. Benedict Parish. At mula sa loob, sasalubungin ka ng kaka-ibang amoy, dahilan siguro ito ng sobrang daming Pilipino na pumapasok dito galing sa kani-kanilang walks of life. Sa loob ng cummunal room mapapansin na kulang sa interrogation officer, 3 lamang ang naka-aasign at may mga close cubicle din naman na humahawak ng matitinding kaso tulad ng call of nature. Sa ilang minutong paghinhintay ay dumating na rin sa punto na ako na ang tinawag ng interrogation officer at dahan-dahan ko na inilabas ang aking ulo at unti-unti pinadaloy sa kanyang katawan ang nagpupumiglas na tubig o sa madaling salita undigested water. Hindi pa ako natatapos kuhanan ng DNA test ay may isang mamang pumasok sa Cummunal Room na umaawit sa pamamagitan ng pagsipol at kung hindi ako nagkakamali nasa tuno s'ya ng otso-otso. Nakadamit ng puti, naka-pantalon ng itim at itm din ang sapatos. Pamilyar sa akin ang mamang ito, hindi ko lang matandaan kung saan kami madalas magkita at kung hindi ako nagkakamali parang nakita ko na s'ya sa liwasan ng Quiapo. Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin at pag-isipan kung saan ko s'ya nakita dahil malapit na ang pagtitipon. Kaya't madali kong pinitik ang aking ulo para maalis ang natitirang mainit na tubig. Mabilis kong nilisan ang Cummunal room at ngayon handa na ako sa pagtitipon.

..... And the Occasion begins
Sa loob ng pagtitipon ay iba-t-ibang klaseng theory at istorya ng buhay ang iyong masasalimin, at uulitin ko dahilan siguro ito na iba't-ibang walks of life ng mga taong nagsidalo. Kung susumahin ang klasipikasyon ng bawat taong naroon maaring bigyan nag apatnapong porsyento(40%) ang paksyon ng mga Class A Attendance. Ang Class A attendance ay yung mga nagsidalo na may sagradong intensyon, mga taong lumabas at dumalo sa pagtitipon para manalangin nang taimtim, mga taong walang ibang dahilan kundi ang dumalo sa pagtitipon. Tatlongpung porsyento naman ang paksyon ng Class B Attendance at sila naman ang yung mga taong kaya nakadalo ng pagtitipon ay may mga kailngan gawin sa paligid ng Hyewhadong ( ie: magpapadala ng pera, bibili ng fone card, mamamlengke etc) at nadamay na ang pagdalo sa pagtitipon. May malaki ding ambag ang Class C Attendace na may dalawangpung porsyento (20%) at sila ang paksyon ng mga taong dumalo sa pagititpon para sa isang Hunting, maghanap ng pwedeng kakopol, maghanap ng dating kakopol, magtanong ng trabaho sa mga kakila nasa loob ng pagtitipon, mga taong nag-iiyakan sa loob dahil iniwan ng syota, habang nagaganap ang pagtitipon at maraming pang iba. At ang pinakahuli at pinaka-mababang klasipikasyong na dumalo sa pagtitipon ay ang Paksyon ng Class D Attendance na may sampung porsyento at sila naman yung mga taong dumalo sa pagtitipon para maisuot at bagong damit na Aber Crombie and Fitch at ang Lebron James na sapatos, sila din yung mga wannabe like saints, pero madami silang problema sa buhay. Nasa loob sila ng pagtitipon para sa sariling intensyon o sa madaling salita sila ang paksyon gn mga hipocrite.

Masaya ang pagtitipon, at higit mo mararamdaman ang saya kung kabilang ka sa Class A Attendace, kung isasantabi mo muna ang pang-mundong intensyon at bagkus ay taimtim na tanggapin si Amang sa iyong puso. Maluwag ang damdamin at parang may kakaibang lakas na nakukuha ka habang patuloy na nagaganap ang pagtitipon. Sa bawit awit ng papuri, sa bawat salita na naging pagkain ng ating ispiritu, parang unti-unti naalis ang iyong kasalan sa isang linggo ng iyong buhay. Kayat sa pagtatpos ng pagtitipon dahan-dahan uusad ang ilang libong nagsidalo papalabas ng tahanan ni Amang....

..... Shopping Spree sa Paligid ng Tahanan
Mula sa tarangkahan ng tahanan ni Amang, bahagyang umuusad ang daloy ng tao, at sasalubungin ka agad ng "kabayan fone Card" at habang nakaa-bang na sa iyo ang hanay ng pandesal na katabi ng karaoke at kung mahilig ka sa sagu at gulaman tamang-tamang panghatid ng uhaw.Sa may tabi ng tawiran at sasalubungin ka naman ng grupo ng Generation X-man, sila ang mga nag-aabang ng fafah material, magaganda ang kanilang bansag tulad ng Rhoda na Rodrigo ng umalis sa Pilipinas, may Aiko at marami pang iba. Katabi nila ang nakalatag na na tilapia ng Manang na may karatulang 3/10,000won, masarap at sariwang tilapia. At kung tititngin ka sa kahabaan ng lansangan at iba't-ibang klaseng at pruduktong pinoy (name it, you have it). Hindi makakaligtas sa akin ang paborito kong taho, na minsan at nakaktatlong baso ako at habang nag-eenjoy ako sa paghigop ng taho ay sinamantala ko ang paghahanap ng pirated DVD ng pelikula ni Johnny Depp na Willie Wongka. At hindi pa ako nakakalayo at bumungad sa akin ang mamang nakita ko sa Cummunal Room, sinasabi ko na nga ba! hindi ako nagkamali, isa din s;yang magtitinda pero ang kanyang prudukto ay salita ng Diyos. At medyo asteeg s'ya dahil mayroon s'yang mic at pinakamalaks ang kanyang boses sa lahat ng magtitinda na naroon. Muli hindi ko na masyadong s'ya pinansin dahil ang My Twin Evil Brother ay nagpupumiglas na lumabas sa aking katauhan kaya pinilit ko na maging busy sa paghahanap ng DVD ni Johnny Depp.

..... Kung hindi dahil sa Baegon disin-sanay kumalat ang salita ng Diyos
Sa may ilalim ng puno saglit ako nahinto, at may isang babaeng lumapit sa aking na may dalang puting box . May naka-imprentang "Love Offerings" at may bibble verses pa na hindi ko naman nabasa. Naisip ko na baka kailngan nito ng "Love Notes". At kinausap ako ng babaeng na itago na lamang natin sa pangalang Princess Sarah at ako naman si Prince Zenki at ganito ang naging daloy ng aming pag-uusap.

Princess Sarah: Love Offerings po (with a smile)
Prince Zenki : Love Offering para kanino, para sa'yo ba?
Princess Sarah : Hindi po!
Prince Zenki : Eh! para saan nga yan?
Princess Sarah: Para po sa pagpapakalat ng Salita ng Diyos
Prince Zenki: Ha! Kumalat na kanina sa loob ng St. Benedict Church ang salita ng Diyos ah
>>>>>>>>> at nagmamadaling umalis si Princess Sarah na nakasimangot (di lumabas din hehehhe)


.... When hipocrisy becomes a good business
Malaking insulto sa akin ang ganitong engkwentro, insulto para sa aming dumalo sa piging ng Amang. May paggalang ako sa iba't-ibang paniniwala ng tao at alam ko naman si Mamang Tindero at si Princess Sarah ay my right love, but in a wrong time, in a wrong place and at the wrong man (thats me). Nagpapa-alala sa akin ang ganitong pangyayari sa isang maling paniniwala ng tao, katulad ng isang forum and one of the forum member qouted as saying:

"Sa aming pong pastoral office ay nag-aanyaya para mag-aral ng Salita ng Diyos habang nasa Korea at magpatayo ng sariling simbahan pag-uwi sa Pilipinas at magkanegosyo"

Katulad din ito ng iba kong mga kaibigan at kakilala na nagyaya minsan sa akin para umatend sa Freksbetarian dahil may libre daw bigas, toyo at iba pang grocery at ang pinaka-highlights ng kanilang pagtitipon ay ang free sangyupsal. Parang yung mga El Condor Pasa, na sumisigaw na paliparin ang lobo may kasamang sobre. Ang sobre na iipunin pambili ng malaking stock ng isang Newspaper Agencies

.....I therefore conclude
Natatakot ako na baka dumating na sa punto na maging isang Quiapo na ang Lansangan na Hyewahadong, natatakot dahil kakalat na ang mandurukot, may bangketang may nagtitinda ng iba't-ibang klaseng gamot at pito-pito na may label na pangparegla, pampalambot ng tae, pampatigas ng ari, kung ano-anong gamot na kapituhan at ang mas nakakatakot ay ang gamot na may label na pampalag-lag ng bata.Sa ganitong punto nakataya ang dignidad natin bilang Pilipino sa dayuhan bansa. Mga migrateng naghahangad na mabago ang sistema ng sarili nating bayan. Malaki ang impact ng pangyayaring ito sa mata ng Bansang ating ngayon kinasadlakan, sa Hywehadong nakaktutok ang simpatiya at dito kumukuha sila ng kunklusyon kung anong uri tayo ng tao. Kaya kung gustuhin man natin magbago ang ating sariling bansa ay umpisahan natin ito sa ating sarili at sa maliit na kumunidad na ating kinabibilangan sa dayuhang bansa. At ang pagbabago ay hindi makakamit ng isang buong magdamag at kailngan umpisahan natin ito sa ating sarili, sa ating kumunidad na s'yang nagsisilbing Tahanan ni Amang at Replika ni Inang Bayan... Ang St. Benedict Church, Hyewhadong...

=========================================
Photo Credits : Korea Zone International

Muling paglayag ni Jun at Sunday, August 21, 2005

|