Jump to navigation

 

 

Monday, August 15, 2005

Updated na Tinig

May bagong mga isyu sa tinig.com (ang tinig ng bagong salinlahi) at narinig nila ang Panaghoy ng Kabataang Migrante Sa South Korea. Una kong isinulat ito para sa isang blog entry ko dito sa dzune online at nalahtala sa Newsgate Magazine ( Ang Filipino Printed News Magazine sa South Korea for Filipino Migrants.) pero hindi nila nilagay ang author (Plagiarism ba ang tawag dun hehehhe)kaya bisitahin n'yo ang bagong update na tinig.com.

Kahapon naman nakakuha ako ng kopya ng Sambayan News Letter ( Publication ng Filipino Migrants in Seoul) at naisama nila sa kanilang Editorial section ang aking submitted article na nasa baba ang kopya and thanks to Fr. Dong Marcaida.


A Mother of all our Woes

For Inay, for ate Lydia , for ate Liza, for motherhood

…….. Dahil pandesal ang batayan ng mabuting Ina

Sa isang tipikal na kaanyuan ng pamilyang Pilipino, sa banta ng krisis, sa kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan… Saan mo hahanapin ang mabuting Ina? Sapat na bang may nakahaying pandesal sa umagahan? Batayan ba ng pagiging mabuting ina ang bigyan ang anak ng diploma sa dingding, pagkain sa hapag kainan, isang desenteng bahay.

Saan at paano pa natin hahanapin ang isang mabuting Ina?

Kung iisipin at huhukayin ang tunay na kailngan ng isang anak, hindi sapat na batayan ng isang mabuting ina ang punan at tustusan ang pangangailan ng katawang-lupa ng isang anak. Maraming pangangailangan ang isang anak na hindi nakikita at nabibigyang pansin, at dahil nga nasa aming mga kabataan nakasalalay ang kainabukasan ng bayan at ng simbahan, malaki ang responsibilidad ng isang ina upang tawagin s'yang mabuting Ina.

Mula sa ugoy ng duyan nagsisimula na kaming magtanong. Sa bawat patak ng luha at iyak namin sa inyong kandungan, hinahabi din namin ang mga tanong sa mundong bago sa aming panlasa at paningin.. Kasabay ng pag-aaral namin ng aming unang alpabeto, ng aming unang mga tula, ng aming mga unang himig at mula sa pagkabata hanggang marating namin ang ikalawang bahagi ng buhay , dumarami ang aming pagtatanong. Nadaragdagan ang pangailangan namin, subalit alam naming nariyan kayo para kami ay gabayan, at alam naman naming hindi kayo nakakalimot sa pangangailangan ng aming katawang lupa.

Subalit natatakot kami sa kung ano ang darating na bukas, hindi namin alam kung saan kami dadalahin ng pagkakataon, at ng sirkulong tinatawag ng buhay sa ibabaw ng lupa. Maraming mga bagay na nais naming tuklasin, mula sa aming sarili, sa aming mga kaibigan, kung anong propesyon ang mabuti para sa amin, sa mga tao at paligid. Naguguluhan kami sa iba't-ibang aral ng mundo. Mula sa adbokasya ng simbahan at adbokasya ng pamahalaan, hindi namin alam kung ano ang mas dapat naming paniwalaan, isabuhay at sundin. Iniisip namin kung ano ang intensyon ng mundo at ng tao para sa amin. At higit sa lahat kung ano ang intensyon ng Diyos para sa amin.

Kaya mabuting ina kayo para sa amin kung parehas ninyong natutugunan ang pangangailan naming inyong mga anak at ito ay pang-katawang lupa at pang-ispiritwal. Kailngan namin ang isang ina sa mga oras na humihina ang aming ispiritu at paniniwala. Ang ina nagsasabi sa anak na "Anak sa Diyos ka kumapit" .Kailngan din namin ang isang ina na nagsasabing mas masarap mabuhay ng simple na nasa landas ng isang pagiging mabuting alagad ng Diyos. Kailangan din naming ang isang Idolo, ang isang ina na naglilingkod sa tao at simbahan, naghahatid ng mga aral ng Diyos , ang ina na nagsasabi sa anak ng mga nilalaman ng mabuting salita o bibliya. At katulad din ng maling paniniwala at pagkaunawa ng karamihan sa atin sa salitang binitiwan ng mga pari ang "Kaawaan mo ang mga naghihikahos" itoy hindi naghihikahahos sa pinansyal kundi naghihikahos na ispirito ("Blessed the poor" it is not poor financially but poor in spirit). Kailngan din ng isang anak ang isang inang nakaagapay sa mga pagkakataong naguguluhan sa pangyayari ang isang anak, lalo pa kung ang isang anak ay may ibang prinsipyo at nalihis sa paniniwalang pangsimbahan. At ang inang nagsasabing "nangyayari ang lahat dahil ito ang gusto ng Diyos para sa'yo" bagay na pipigil sa amin upang saglit na matigil at gamutin ang lumalayong ispirito.

Malalim at parang mahirap mahanap isang mabuting Ina sa sitwasyon at mayroon ngayon ang mundo. At mahirap din sa isang ina na mag-pakabuting ina sa pagkakataong naglalayag at naghahanap s'ya ng pagkukunan ng pagkain ng katawang lupa ng isang anak, mahirap dahil kailngan lumayo ang isang ina. Subalit saan may narooon ang Diyos at hinihintay lamang kayo para patunayan sa inyong mga anak na kayo'y isang mabuting Ina. At ano man ang layo ninyo sa inyong anak makakarating at makakarating ito sa kanya at sa ganitong punto masasabing ng isang anak na idolo ko ang aking Ina. At kahit pa sa panahon ng inyong paglalayag at pagkawalay sa anak, gamitin ninyo ang mga bagay at paraang nag-uugnay sa inyong dalawa para iparating sa anak kung anong kaligayahan mayroong kayo sa piling ni Hesus. Subalit alam naming nahihirapan kayo kung ano ang paraan para lubusang maging mabuting ina. Magiging isang mabuting Ina kayo kung titingnan ninyo ang mga inang naglilikod ngayon sa atign parokya at simbahan, at sakyan n'yo lang ang mga sinabi ko't sapul ang pagiging mabuting Ina.

Muling paglayag ni Jun at Monday, August 15, 2005

|