Wednesday, June 08, 2005
Pagbabalik ni Shaider ( Ofw version)
Time Space Warp.... ngayon din!
Katulad din ako ni Ederic (isa sa pinakamatandang blogsite sa Pilipinas) na tagahanga ni Shaider , ang pulis pangkalawakan. Tinalakay n'ya sa kayang blog ang tungkol sa mga alaalang hatid ni Shaider/Alexis at ang malaking epekto nito sa kanyang pagkatao. Asteeg nga etong si Shaider sa pakikidigma kay Puma Liar at ang pinakamagandang parte nito ay ang tambalan nila ni Annie at kung paano n'ya ito iniligtas, at gayundin naman ang pag-alalay ni annie sa bawat engkwentro nila kay Phuma Lear, kaya naisip ko na magkwento ng isang OFW version mula sa Alala at Pagbabalik ni Shaider.
Kaya sakay na kayo sa aking babilos......
Ako si Shaider isang OFW, naglalayag sakay sa babilos ng aking mga pangarap. Simple lang naman kung bakit ako naglayag at napunta dito sa isang pininsula, ang makabili ng isang owner at muling bumalik sa Pilipians para sa isang overdrive kasama ang barkada. Walong taon na rin pala ng magarap ako ng isang musmos na pangarap, simple at mababaw na dahilan ang nagtaboy sa akin para maging isang Unsung/Modern Hero's , ang pedestal at bansag sa aming mga OFW.
Sa ilang taon paglalakbay ni Shaider ay maraming bagay ang kanyang natutuhan, mga pangyayaring naghatid sa kanya ng ibang pananaw, dahilan para ang musmos na pangarap ay mapalitan ng mas malalim na kahulgan ng buhay. Natutong mabuhay mag-isa at asikasuhin ang sarili dahil malayo sa pamilya, at kalimutan ang nakasanayang layaw nung nasa poder ng magulang. At dahil nabuhay ng mag-isa, natutong maghugas ng plato, magluto at mag-imbento ng iba't-ibang putahe, maglaba ng damit at marami pang ibang gawaing pangbahay.
Subalit mas malalim ang naging paliwanag kay Shaider ng buhay Abroad, at dahil dito natutong lumaban sa Phuma Lear ng kanyang mga engkwentro.
Natuto si shaider lumaban sa pamamagitan ng pagsusulat sa kanyang blogs, dahil dito nagkaroon ng posibilidad na marinig ang Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea, salat man sa kaalaman sa pagsusualt ay nagpupumulit na kumatha ng isang artikulong maaring basihan ng iba at mas magaling na manunulat. Nagbabakasakaling may mga taong makakabasa na tutulong para sa isang malawakang Cyber War Agaisnt EPS in South Korea. Nagbabakasali na matalakay sa iba't-ibang youth forum at asian journals, naniniwala kasi si Shaider na sa panahong at henerasyong ito ang internet ang tunay na demokrasya ( democracy over the internet) at naniniwala din s'ya na ang internet blogging( I-Blog ) ay ang mabisang paraan upang maihatid ang mga hinaing. Phuma Lear para kay Shaider ang EPS (Employment Permit System), ang walang kwenta at pabago-bagong batas na natalakay n'ya sa kanyang mga naunang entry.
Hindi naman masasabing isang aktibista si Shaider, isinisiwalat lang niya at dapat malaman ng buong mundo at ng kapwa n'ya Pulis Pangkalawakan (OFW). Hindi rin masyadong seryoso dahil may mga funny side din naman ang kanyang buhay, at mas lalong hindi boring dahil mahilig din s'ya sa fun stuff. May ilang Annie din naman ang dumaan kanyang buhay, magaganda at mga edukada, subalit di kalaunan ay lumalabas din ang Panty, kaya naging maselan at masikap sa pagpili ng kanyang pang-habang buhay na Annie, at huwang kayong mag-alala, may bagong Annie sa buhay n'ya, espesyal na regalo eto ni Bathala para sa kanya.
Eto ang konteng istorya ng pagbabalik ni Shaider, kulang man sa inpormasyon, pero alam ko na may malaking impact sa makakabasa, mahuli man ako immigration bukas o sa isang araw, sa susunod linggo, sa susunod na buwan, patuloy pa rin ang pakikidigma ni Shaider. At alam ko na kung hindi man marinig ngayon, alam ko na darating ang araw na may magsasabi sa buong mundo na "Shaider win his war agaisnt EPS" o kaya naman ay " Daddy win his war agaisnt EPS"
####################################
Salamat pala sa bagong Annie ng buhay ko... salamat sa pagiging inspirasyon...

Muling paglayag ni Jun at Wednesday, June 08, 2005
|