Jump to navigation

 

 

Sunday, February 20, 2005

Paalam

tumu-tunog sa isip
kumakawala sa puso
nauuhaw
naghahanap
susuko
mananahimik


maghihintay
sa laro
sa pagkukunyari
sa pagalatag
sa pagbabakasakali
sa pag-big

waring mamatay
magtago kaya
o pansamantalang mawawala
kalimutan
i-pag-pa-pa-walang-bahala
ilusyon sa klarong kulay

nauuhaw
naghahanap
susuko
pero kailangan
mahal na kung sa mahal
ilusyon sa isang pinagkaka-guluhan tele-novela

iikot muli
hahanapin
magtatampisaw
mauuhaw muli
sa pagod, sa pag-ibig, sa diyos

ito ang isip
ito ang katawan
ito ang bawat siphayo
ito ang kaluluwa
ito ang DIYOS... ito ang PAG-IBIG... ITO AKO PARA SAYO....


KAYA'T SAGLIT PAAALAM AKING MAHAL!!!

Muling paglayag ni Jun at Sunday, February 20, 2005

|