Friday, November 19, 2004
Nais ko ibihagi sa inyo ang tulang pinadala sa akin ni Manolito Sulit , ang kalapating nagpasilong at nagpakilala sa akin sa tunay na mundo ng panitikang Pilipino.
Bayani
ni Manolito Sulit
Ganyan ang kanilang kasaysayan: aalis sila
Upang hanapin ang kalayaan, dati’y mula
Sa isang mananakop, at ngayon, sa kahirapan;
Hindi sila naiiba sa isang bayani ng epiko,
Umaalis para makipagsapalaran, magbabalik
Para bawiin ang kaharian, para magpakasal;
Hindi lahat, gayunman, ay ganyan ang kapalaran,
Gaya nina Rizal, Ninoy, at Contemplacion;
Bawat araw napatutunayan nating sayang lang
Ang kanilang kamatayan, dahil kaybabaw
Ng pagkakapunla ng aral sa ating mga pagkatao;
At inuulit-ulit lamang natin ang mga kwento
Ng pagsakop, ng pagkaalipin, ng pagtataksil;
Ang inakala nating pagpapatawad at paglimot
Ay tahasan palang pagwawalambahala,
O ang katamarang maghanap ng solusyon,
At ang karuwagang harapin iyon; sapagkat
Malungkot ang mag-isip, at ang gusto nati’y
Magsaya; kaya tama na ang isang mamamatay
Para sa lahat; husto na iyon; natubos na niya
Ang ating mga kaluluwa, at maglalaan tayo
Ng isang araw para siya’y alalahanin, hanggang
Makalimutan natin kung para saan iyon;
Gaya ng katubusang hatid ng mga OFW
sa maraming napasanla—lupa, katawan, at
maging kaluluwa ng bansa—upang makatawa
Ang mga naririto habang sila roo’y binabaka
Ang kakaibang alimuom, wika at pagmumukha,
Hanggang masanay sila sa nararamdamang
Kaliitan, at ituring na iyon mismo ang halaga nila,
Ang papel ng Filipino sa isang bansang seryoso
Na may malalaking layunin at ambisyon sa mundo;
Lahat tayo’y handang gawin ito pagdating
Ng pagkakataon; nagkapare-pareho rin tayo;
Iyan na marahil ang tinatawag na kultura;
Kaya nang pinalad na makaalis si Felipe, Sr.,
Hindi lamang kanyang mag-iina ang masaya,
Maging ang gobyerno; nabawasan kasi ng isa
Ang pinangakuan ng Pangulo, at nadagdagan
Ang magtutustos ng dolyar sa ekonomiya;
Ang mahalaga ay ang tiyaking hindi ito
Babagsak sa kanyang termino, at mapatunayang
Mas mabuti ang may PhD sa ekonomiks
Kaysa wala, o ang mapabilang sa koalisyon
Kaysa walang kabilangan, at ang makinabang
Sa pagbagsak ng isa pang kawawang bansa;
Sukat ka bang idolohin, ha, Angelo dela Cruz?
Kung ang pakinabang na iyo’y sinilo mo
Sa munting siwang ng talim sa iyong leeg?
Paano haharapin ng ibang hindi nakinabang
Ang nakaambang pagtaas ng presyo ng pandesal?
Magpapatuloy ang pangingibang-bansa, pila-pila,
At mula roo’y isusulat nila sa atin ang disiplina,
Ang kalinisan, at ang kamurahan ng tinapay;
Pagkat ang kakayahang bumili ng pandesal,
Ay isang seryosong usaping pang-ekonomiya;
Hindi ito dapat balewalain ng Malaca?ang,
Dahil maaaring ilunsad ang isang rebolusyon
Sa islogang, “Kapayapaan, Lupa, Pandesal;”
Ito na nga kaya ang rebolusyong magpapauwi
Sa mga anak para sa naghihingalong ina?
Sino kaya sa kanila ang magpapakaabala?
Aarkila na ba tayo ng masasakyan, at kahit
sa lugar ng digmaan, bibigyan natin ng puwang
Ang pananabik? Iinom ba tayo, aawit habang
Nakamulagat sa alindog ng malaking TV?
Maging kasintamis kaya ng dati ang tsokolate?
Paano kung isang sulat lamang ang dumating,
Hindi kapatid, ni isang pumapayag na bayani?
Gigiyagisin kaya ang kalooban natin ng tagubiling:
“Ipalibing n’yo na… kulang pa ba ang aming padala?”
Hahantong tayo sa pinakadulong tuldok,
Na hindi mawari kung ano yaong nawawala…
At buong akala nati’y—buo silang magbabalik.

Muling paglayag ni Jun at Friday, November 19, 2004
|