Thursday, August 26, 2004
May dumidilig sa panulat ang umiigpaw na tibok ng puso.... lasapin ang tamis ng Mansanas at ng aking pagsuyo upang ang saradong puso ay muling lumabot at pakiabot sa aking mga kamay ...
kung ang buwan ay dalampasigan
Kung ang buwan
ay dalampasigan,
doo'y makagagawa
tayo ng kastilo,
makasusulat ng ating
mga pangalan
atdoo'y walang mga along
bubura sa mga ito.
kung ang buwan ay dalampasigan
madidilingan ng dagat ang pangunguila
at muling mangangahas maglalakbay
ang aking pusong mapangamba.
kung hindi mababangis ang mga alon
magpapalaot sa piling mo.
sa bangkang binigkis ng pag-ibig
matatakasan natin ang dilim.
- ni Manolito C. Sulit
kung ang buwan ay dalampasigan
Kung ang buwan
ay dalampasigan,
doo'y makagagawa
tayo ng kastilo,
makasusulat ng ating
mga pangalan
atdoo'y walang mga along
bubura sa mga ito.
kung ang buwan ay dalampasigan
madidilingan ng dagat ang pangunguila
at muling mangangahas maglalakbay
ang aking pusong mapangamba.
kung hindi mababangis ang mga alon
magpapalaot sa piling mo.
sa bangkang binigkis ng pag-ibig
matatakasan natin ang dilim.
- ni Manolito C. Sulit
Muling paglayag ni Jun at Thursday, August 26, 2004
|