Jump to navigation

 

 

Wednesday, July 28, 2004

Halo-halo sa Tag-init

Parang isang delubyo ang init na nararamdaman ngayong tag-init. Maraming mga bagay na nakaka-ligtaan at maraming mga ideyang humihila sa aking isip para magsulat , subalit sa bawat pagtapak ng aking mga daliri sa mga letra ng aking keyboard ay isa - isa silang nagsisilisan sa ispasyo ng aking isip.

Marahil dala lamang ito ng pagod na isip, mga di iniaasahang pangyayaring nangangailan ng higit na atensyon... Narito ang mga nais kong isulat pero saka na lang kapag lumaya ng muli ang aking isip sa Halo-halong init ngayong tag-init.

Taguan - ito ay tungkol sa nangyayaring crackdown dito na magsisilbing follow-up ng Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea .

May Ulan sa di Tamang Panahon - ito ang nakaraang pag-ibig na muling binibuhay sa pamamgitan ng cyber space( kwento ng aking kumpareng mahlilig sa tocino at longganiza).

My first and Last Eb - eto yung kauna-unahang Eb ko sa mga nakilala ko sa chat.

Gunita ng mga Migranteng Mamamahayag - para naman ito sa mga manunulat na pinoy dito sa South Korea at ang tungkol sa kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng Migranteng Pinoy sa South Korea.

Sana maisulat ko na... sana ! sana!


Muling paglayag ni Jun at Wednesday, July 28, 2004

|