Saturday, May 29, 2004
Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea
Nakakulong ngayon ako sa apat na sulok ng aking silid at sinisikap na makabuo ng isang artikulong maghahayag sa mga mababatas ng mga sawing panaghoy at bulong ng kapwa ko kabataang migranteng naninilbihan at nadarayuhan dito sa bansang Korea. Nagsisikap na baka sakaling pakinggan ang karapatan halos ilang taong ipinaglaban ng mga nauna sa amin. Nag-iisip kung paano isisiwalat ang mga pangambang halos araw-araw naming iniisip at kinakaharap.
Nagsimula ang mga pangambang ito buhat noong kami nagdesisyong magtrabaho at manitili sa bansang ito ng walang legal na pahintulot ang Pamahalaang Korea. Pero ano ba ang nagtulak sa amin para yakapin ang ganitong sitwasyon. Ilan sa mga dahilan ay upang makapagtrabaho at makahanap ng isang kompanya at amo na mayroong panggalang sa aming pagkatao. Ang kompanyang maka-pagbibigay sa amin ng isang simple at ligtas na lugar upang kami manatili at irespeto ang karapatan naming bilang manggagawa. Kasama na rin dito ay ang kompanyang magpapasahod sa amin ng naayon sa oras ng aming ipinagtrabaho. At higit sa lahat ay ang kompanyang mamahalin kami bilang tao.
Subalit taliwas at eksepsyunal sa aming paniniwala, karamihan pa rin sa amin ay naabuso at naging biktima ng sistema ng ilang mga ganid na amo. Ang gipit na sitwasyon ang kanilang sinamantala upang mapayaman at paunlarin ang isang maliit nilang negosyo. At dahil nga mura at puwede ang delay na salary namin ay nakasalba ang kanilang kompanya hanggang sa mapabilang sila sa ilang mauunlad na pagawaan dito sa Bansang Korea. At eto pa rin kami patuloy na kumakapit sa patalim at ang karapatan ay tila ibinaoon na lamang sa aming mga puso. Umaasa at patuloy naghihintay ng isang malinaw at deretsahan aksyon ng ating pamahalaan.
Ang mga pangyayari at sitwasyong ito ay hindi na lingid sa buong peninsula,at maging mismo sa bayan natin, ganyundin hindi na rin maikakaila ng bansang ito na kailangan pa rin nila ang serbisyon ng mga dayuhang maggawa. Ang masakit nito baket tila ang mga mam-babatas, lalong higit ang taggapan ng Minsitry of Justice ng Korea at lalong higit ang sarili nating pamahalaan ay hindi nila nakikita at nararamdaman na katulad din kami ng kanilang mga anak . Isang ordinaryong kabataan na sa murang edad ay nakipagsapalaran at nanilbihan sa kanilang mga maliit na pagawaan. Mga kabataang halos pitong taon nag-alay ng talino, oras, sarili at may malaking ambag sa kanilang lakas paggawa. At ano ang kapalit nito? Ang huminto sa aming pag-aaral at iisantabi ang mga pangarap na maka-pagtapos ng pag-aaral. Isang kabataan tinalikuran ang saya , habang ang nagpupumilit na tumulong sa pamilya namin na nasa Pilipinas. Isang kabataang biktima ng kahirapan.
Mapalad naman ang ibang nabiyayaan ng bagong Batas na pinairal ng Ministry of Justice (Employment Working Permit)ng Bansang Korea at agad na tinanggap ng ating pamahalaan sa katauhan ng Labor Sec. Patricia Sto Tomas. Ang batas na tila para lamang sa kapakanan ng kanilang bansa para maisalba sa kahihiyan sa buong mundo. Ang batas na aalo sa pandaigdigan pamilihan na kalimitan ay ang mga bansa din namin mula sa Asya Pasipiko at mga mahihirap na bansa na may malaking bilang na maggawa dito sa Bansang Korea. Ang batas na naghatid ng isang malaking domino effects sa pagbagsak ng inyong ekonomiya dahil sa epekto ng pagbagsak ng maliliit na pagawaan pinaggagalingan ng mga raw materials ng mas malalaking kompanya na kung saan nadoon kami. Ang batas na naghatid ng malaking labor shortage sa mga manufacturing sector. Ang batas na naghahatid sa amin ng isang malaking pangamba sa napapabalitang Mass Repatriation sa buwan ng Agusto.
Sa kabila ng mga panaghoy ng ito ng manggagawa pinoy dito sa bansang Korea ay baket patuloy pa rin itinutulak ng Pamahalaan natin ang ilang libong pinoy na dumagsa sa tanggapan ng POEA noong nakaraang buwan.Baket hindi muna ayusin ang problema at kalagayan ng ilang libong maggawa na nagtiis at napabilang sa palabigasan ng kaban ng bayan.Baket hindi muna ayusin ang sitwasyon ng mga TNT o illegal na manggaawa lalong higit ang problema ng mga naguguluhan kababayan natin na ng mga kababayan natin na nakakuha ng E9 visa (EPS). kailangan muling pag-aralan at sanay siguraduhin ng ating pamahalaan kung maibibgay ba talaga ang karapatan ito at masasagot ba ng bagong batas na ito (EPS) ang panaghoy ng mga kabataan at pagkalahatang migrante dito sa Sotuh Korea.

Instead of resolving the problem, the Philippine government is “now intently focused on the ‘new batch’ of OFWs they’re about to send because of the remittances and state exactions the Philippine government will get in exchange,” said Mark Padlan, Asia Pacific Mission for Migrants Korea coordinator. more info at bulatlat.com
Sa kabila ng mga panaghoy ng ito ng manggagawa pinoy dito sa bansang Korea ay baket patuloy pa rin itinutulak ng Pamahalaan natin ang ilang libong pinoy na dumagsa sa tanggapan ng POEA noong nakaraang buwan.Baket hindi muna ayusin ang problema at kalagayan ng ilang libong maggawa na nagtiis at napabilang sa palabigasan ng kaban ng bayan.Baket hindi muna ayusin ang sitwasyon ng mga TNT o illegal na manggaawa lalong higit ang problema ng mga naguguluhan kababayan natin na ng mga kababayan natin na nakakuha ng E9 visa (EPS). kailangan muling pag-aralan at sanay siguraduhin ng ating pamahalaan kung maibibgay ba talaga ang karapatan ito at masasagot ba ng bagong batas na ito (EPS) ang panaghoy ng mga kabataan at pagkalahatang migrante dito sa Sotuh Korea.
Muling paglayag ni Jun at Saturday, May 29, 2004
|