Saturday, May 01, 2004
Si Ajusi at ang Six ober Forty Five
Nagtataka ako kung ano ang karismang ginagamit ng Ajusi ( isang matandang lalaki) at tila hindi nagmamaliw ang pila ng mga taong nasa kani-kniyang walks of life na nagmistulang fans club ng matandang ito sa tuwing sasapit ang araw ng sabado.
Sikat na sikat ang matandang ito sa lansangan ng Kangdong-dun sa may bus stop na malapit sa lagusan ng Subway Station. Lahat ay tila nagmamadali at hinahabol ang oras sapagkat magsasarado na ang tilon ni Ajusi sa pagpatak ng alas-otso ng gabi. Lahat ay naghahangad na makuha ng isang autograph na ginagawa sa isang computer machine at ang bawat titik ay katumbas ng mga numero. Mga numerong isa-isang pinag-isipan kasama ang paniniwalang ito ay maswerte na maaring kapalit na kaginhawaan ng buhay.
Ewan ko, pero parang ito ay larawan ng isang desperadong mamamayan na naghahangad ng instant yaman, pero baket at ano ba talaga ang hiwaga mayroon sa autograph ni ajusi at kailangan magbayad muna sila ng 2,000 won kada isang set ng pirma at kung sakaling sila swertihin ay maaring na silang hindi magtrabaho ng habang buhay. A day in a life nga ang tawag ng iba, a chance of a lifetime. Dito maari silang magkaroon ng tiyansang makapamila sa kung anong bansa ang gusto nilang puntahan at pasyalan, sa kung anng bagong modelo ng bahay ang ipapagawa at bibilihin, mga aristokradong tao ay maari din makasalamuha.
May nakapikit, mga humihingi ng himala habang sinusulat ang mga numero, mga numerong para sa kanila ay maaring kapalit ng walang hanggang kaligayahan at kasaganaan. Lotto 6/45 : yan ang sikreto ni ajusi na sinamahan ng maswerte niyang mga ngiti. Kaya naman kahit sobrang haba ng pila eh naki usyoso rin ako para magpa-autograph pero teka lang hindi naman ako gaanong kadesperado, I just dream , believed and maybe I will be the next millionaire, at syempre sisikat na ako niyan pag-nagkataon, muli na naman magbabalikan ang mga dating kakilala, kaibigan, kainuman na sa panahong nanghihina ang aking paniniwala ay unti unti rin silang nawala. Pero okey lang isasakay ko na lang sila sa aking bagong expedition hopefully… hopefully….. At syempre pede na kaming magpakasal si Pamie (o yan extra ka na ha dine)
Kaya sa Sabado sa dati pa ring oras hanggang alas otso ng gabi muli na naman rarampa si Ajusi… Abangan….

Muling paglayag ni Jun at Saturday, May 01, 2004
|