Saturday, February 28, 2004
Paquito : Salamat sa pambihira mong Bigote
At ang tarangkaha’y inaliw ng mga nag-uunahang paslit, mga inosete at walang alam sa tunay na kahulugan ng mundo. Mga pangyayari waring pulit-ulit na nagaganap sa tuwing sasapit ang alas-syete ng umaga, muling maririnig ang mga musmos na himig na sinasaliw ng iyak, mga sigawan at kulitin ng mga murang IBA na nagpupumilit sumabay at habulin ang isang edisyong ng buhay kasama ang itong mga saksi..
Sa pagtahak namin sa landasin ng kamusmusan, iba-iba engkwentro ang aming kinasangkutan. Maaring sa murang pag-iisip ay hindi namin maintindihan kung baket naging bahagi ang taong ito ng edisyon ng aming kabataan. Kung baket may mga oras na kailangan naming matakot at magtago. Kung baket kailangan maging mahusay at alisin ang ugaling pilyo sa loob ng silid aralan. Kung baket lagi ang pangalan niya ang siyang panakot ng mga guro sa tuwing kami magkakamali at mag-iingay sa Klase. Kung baket kailangan pag-aralan ng mabuti ang leksyon at takdang aralin.
Sino ba ang taong ito? Ah! Si Paquito, isang dyanitor ng aming Paaralan ( Ibaan Central School) na noong una ay kinatatakutan ng lahat ng mga batang malilikot at may dalawang puyo. Siya ang taga-pamanihala ng kalisan ng paaralan kung kayat nakuha niya ang titulong First Class Janitor. Sangkot din ang taong ito sa mga nakukulong na batang nakagawa ng malaking kasalanan sa loob ng paaralan. At doon nagsimula ang matinding pananakot saan mang silid aralan. Sikat ang taong ito noong aming kabataan. YAN SI PAQUITO! IPADADALA KITA KAY PAQUITO! IPAKUKULONG KITA SA BERENDA!. Ilan lang yan sa mga salita at panakot sa amin noon. Subalit para saan ba talaga at ano ba ang dahilan ng pangyayari at pananakot na ito.
Kay bilis ng mga pangyayari, parang isang buong maghapon lang ang nakalipas sa kaganapan ng aming buhay. Ang mga bata ay unti-unting nahuhubog, unti-unti nababsag ang boses mula sa tinig ng kamusmusan. Kagaya rin ng isang umaga na titanatapos ng isang paglubog ng araw, habang nagtatampisaw kami noon sa kanyang ginintuang kulay papauwi sa aming mga tahanan. At ang lahat edisyong ito tinapos ng mga ala-ala, mga takot, mga sawing katanungan, kapirasong papel ng pagtatapos sa saliw ng CLIMB EVERY MOUNTAIN.
Ilang dekada ang lumipas, nagpapalit palit ang mga dahon sa tangkay ng panahon subalit ang mga inosenteng tanong ay kailangan makamit. Ang katanungan kung ano ba ang silbi at pananakot na yaon. Kung baket si Paquito ay naging bahagi ng aming buhay. At lahat ng iyang nasasagot kung iisa-isahin ang pangalang ng mga batang ngayon tagumpay sa kanilang buhay dahil sa disiplina upang maging isang mabuting tao at mamamayaan . Sila na ngayon nasa tugatog ng kanilang tagumpay, sila na inaasahang susunod ng mga pinuno ng bayan. Sila na natakot at nadisiplina ng dyanitor na si Paquito.
#############################
Note: Mang Paquito nasaan ka man, buhay ka man o hindi salamat sa nakakatakot mong pangalan, sa kakaiba mong itsura, sa pambihira mong Bigote na kapalit sa amin ay isang disiplina, disiplima na humubog sa amin bilang isang tao, isang mabuting mamamyan at mabuting anak ng DIYOS.

Muling paglayag ni Jun at Saturday, February 28, 2004
|