Jump to navigation

 

 

Wednesday, November 05, 2003

Pag-ibig sa Magkabilang ISLA

Dunno kung paano ko sismulan ito, yeah ur right ako na yata ang pinaka irresponsible na lalaking nakilala mo. Yup alam ko naman ang mga sacrifices mo sa akin, alam ko rin ang paggalang mo sa propesyon na gusto ko, alam ko rin na kay tagal mo naghihintay . Alam ko rin na kay daming oppurtunities na pinalampas alang-alang sa pagmamahal mo sakin. Alam ko rin kung paano mo ako inuunawa sa bawat engkwentro at awayan mayroon tayo,

Ilang taon din tayong ganito, ilan taon ding lagi ako na lamang yata ang inuunawa mo. Kaya naman dahil sa alam kong lahat ang mga iyan, pinagsumikapan ko na maitaguyod ang sarili kahit alam ko na mahirap, malas ko nga lamang dahil kay tagal at parang kay labo ng mga bagay na pinagpumilitang ko na maging ako. Maging ako para sa magiging anak ko, para kahit papano maipagmalaki nila ako. Para kahit papano nde nila maranasan ang mga bagay na nararansan ko ngayon. Siguro yan ang maling hakbang na ginawa ko sa buhay ang mangarap sa mga imposibleng bagay, ang mangarap na dahil alam ko na may taong andyan lang at handang sumoporta sakin, nakalimutan ko na nasasaktin at naghihintay na pala siya. Nakalimutan ko na hindi sa lahat ng oras ay andyan sya para palakasin ang naghihinang kong katawan at kaluluwa. Nagkamali ako sa paniniwalang ang binitiwan kong salita sa kanya ay kanyang panghahawakan.

OO, inaamin ko na ako lahat ang may kagagwan para matampalasan ang kay gandang relasyon na kung iilang taong nating pinagsumikapan mabuo, naging pabaya ako dahil nafocus ang isip sa pagmamadali sa na maisaayos ang sarili, kailngan kasi dahil nga alam ko na kay tagal mo ng naghihintay, kay tagal mo ng nagtitis, at maging ako man aaminin ko nahihirapan na rin ako. Kay hirap makipagrelasyon sa isang babaeng hindi mo man lamang mahawakan ang kamay. Kayhirap makipag relasyon dahil hindi mo maipadama sa kanya ang pagmamahal mo ng hindi sa pagsasalita. Kayhirap ipadama sa taong milyahe ang layo sa akin.

Kayraming temptasyon akong kinaharap, pero dahil nga alam ko na may taong sobrang nagmamahal sa akin at ako gayun din sa kanya pinilit ko umuwas dahil ayaw ko na saktan sya sa ganun paraan. Inisip na na i focus ang lahat sa propesyon nais ko na sa balang araw ay pede nya akong ipagmalaki, iharap sa kahit kaninong tao, lalong higit sa kanyang pamilya. Inisip ko rin na huwag kong ipaalam sa kanya ang aking mga kahinaan dahil alam ko ayaw ko na makadagdag ako sa kanyang burdens, dahil alam ko rin nakafocus din sya sa kanyang pamilya. Pinilit kong maging si BATMAN kahit alam ko na hindi ko kayang liparin ang mga bagay na gusto at nais ko. Pinilit kong ikubli na ganito pala ako kahina, ganito pala ako na hindi kayang iaayos ang buhay.

Masakit pero wala na akong magagwa pagod na aking prinsesa, pagod na ang taong nagpapalaks sakin at dahilan ng lahat ng pagsusumikap na ito. Wala akong masabi kundi pasensya dahil sa aking kahinaan, pasensya dahil gustuhin ko mang maging madali ang lahat para sa isat-isa sa atin ay hindi ko kaagad magawa. Pasensya sa mga luhang naging hatid ko sa iyo, mga sakit at hapdi. Pero tandaan mo andito lang ako, itutuloyko lang ang nasimulan ko sa pagbabakasaling andyan ka pa rin kung magtugumpay man ako. andito lang ako na binbigyan ka ng kalayaan na humanap ng lalakeng mas higit at hindi katulad kong irresponsible. Pero muli andito pa rin ako, nagmamahal sa iyo, at na magsusumikap na tuparin ang aking pangako.

Muling paglayag ni Jun at Wednesday, November 05, 2003

|