Jump to navigation

 

 

Friday, June 04, 2004

Saan na Napunta ang Panahon?

Isip ay lulan ang mga pangyayari, mga ala-ala ng nakaraang panahon sa piling ng mga saksi ng aking kabataan. Ilang panahon at tag-lagas na rin ang dumaan, subalit kailan man ay hindi pa rin nagmamaliw sa aking isipan ang sarap ng samahang barkada.Muling babalikan ang mga araw na walang ini-isip kundi lumayag at tumuklas ng mga bago sa panlasa, maging ito mga uri ng alak, bisyo, at kung ano-anong mga bagay na maaring pagsaluhan naming magkakaibigan.

Nagsimula ang lahat sa may de Guia.
nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan,
hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya.
Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara,
konting hudyut lamang kakanta na.
kay simple lamang ng buhay 'non,
walang mabibigat na suliranin.
problema lamang laging kulang ang datung.
saan na napunta ang panahon.
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon.


Subalit ang pagbabago ay laging nariyan at hanggang sa humantong ang isang Barkada na pinagtatagpo na lamang sa hiwaga ng mga sapot ng cyber space, nagkakasya na lamang tumagay sa pamamagitan ng online inuman. Pero hindi pa rin nawawala ang kulitan, kumustahan ngunit biglang mananahimik kung muling sasagi sa isip ang isang simple at payak na buhay noong aming kabataan. Mga mata’y tila mananamlay sa tuwing maaala-ala ang mga kaibigan tuluyan na ngang lumisan.

Sa unang ligaw kayo'y magkasama,
magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago,
O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio,
kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita,
pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang,
nakaka miss ang dating samahan.
saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.


Pero malagas man ang dahon sa tangkay ng panahon, kumulubot man ang balat at pumuti man ang buhok ay hindi mawawaglit sa isipan ang saya ng nakaraan pagkakaibigan. Mga istorya ng kahapon ay lagi pa rin mapag-uusapan kung magkakakaroon ng mga pangyayari at pagtatagpo ngayon. May kani-kaniyang man kaming buhay, pamilya at bagong kaibigan ay mananatili pa rin buhay sa ala-ala ang panahon ng aming kabataan, panahon ng ATG.

Ilang taon din ang nakalipas,
bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman,
at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita,
mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa may de Guia,
pag magkasama ay nagwawala.
Napakahirap malimutan,
ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon,
magkabarkada parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.

Dahil nga lahat ay sasagarin para sa samahang barkada, eto na mga pare request nyo na ipost ko ang pics ng baby n'yo. Ang Bagong Gang ng Bubble Gang Part 2


Muling paglayag ni Jun at Friday, June 04, 2004

|