Tuesday, June 01, 2004
Mga Bago dito sa bagong bihis na weblogs ko.. Unahin natin ang designs naks , sana magustuhan nyo ang color scheme na ginamit ko at ang ibig sabihin nga pala nung Korean character eh ( My Never Ending Story heheeh) pede na rin kayong mag-comments sa bawat posting ko, i-clcik nyo lang yun Tittle kung saan gusto nyo makilayag ( comments ) sa Recent entries Link. Yung guestbook pala at ibang mga links sa Here ay under-construction pa. May mga added features pa ako sa susunod na linggo. Salamat sa inyong pagtangkilik at malamang pede na akong maging sikat kagaya ni Dao Min Shout hehheh o kaya ni HERO heehhe (Panes : adj; nde pwedeng kainin heheh)
Parang ganito ang tema ng artikulong aking nais habihin kanina, kaya lang tinamad ako hehehehe... Ang title sana eh Minsan akoy Humabi ng Lagusan. Pero tuloy ko ito.. abangan nyo na lang mga Pips...
Eto pala yung lits ni elaine
Parang ganito ang tema ng artikulong aking nais habihin kanina, kaya lang tinamad ako hehehehe... Ang title sana eh Minsan akoy Humabi ng Lagusan. Pero tuloy ko ito.. abangan nyo na lang mga Pips...
Eto pala yung lits ni elaine
Sino sila para husgahan ako?
Ni : Elaine Schatz
Ako ay isang simpleng tao lamang
Pinipilit mamuhay ng marangal.
Lahat ng kilos ko ây naa-ayon sa batas,
Batas ng kapwa ko nilalang.
Sa lahat nang aking ginagawa
Unang iniisip ko’y kung ano ang sasabihin ng iba.
Kung ang nais ko ay di tatama sa panlasa nila,
Ito ay nananatiling pagnanasa na lang nga.
Pero sa ganitong paraan, sino ang napapligaya ko?
At para kanino ba ang buhay kong ito?
Sa aking pagsunod sa batas ng tao
Nahahadlangan pati kaligayahan ko.
Basta ang batas ng Diyos ay di ko sinusuway
At ang kapwa ko ay di ko natatapakan
Tainga ko ay akin munang tatakpan
Para masunod ang sariling kagustuhan.
Tutal naman sa tuwing ako’y nadarapa
Mag-isa rin akong tumatayo.
Sa bawat tagumpay lang sila naririyan
At sa mga papuri ay nag-uunahan.
Ngayon ay aking natutunan
Mga komento nila ay ipag walang bahala
At kung ako may ay muling magkamali
Sino ba naman sila para ako ay husgahan?
Muling paglayag ni Jun at Tuesday, June 01, 2004
|