Jump to navigation

 

 

Sunday, July 31, 2005

Stalker ng isang Comic Stripper

Stalker - ito raw ang nararamdaman kapag obsess ka sa isang taoat bagay, lahat ng mga bagay sa kanya ay gusto mo alamin. Nakiki-pagkaibigan ka rin sa mga kaibigan n'ya, lahat ay sisirin at lahat ay gagawin mapansin ka lang. Isang comic strip and animation obession ang dahilan....

Mahirap panindigan ang pagiging isang stalker, pakapalan ng mukha ang puhunan at kailngan asteeg ka sa mga bagay-bagay at pag-papa-impress, kailangan mo ipaalam sa kanya na fans ka nya sa mga bagay na ginagawa n'ya. Ganito ang nangyari sa akin, Opo! isa na akong stalker. Naging stalker ako ng mapadaan ako sa blog site ni Joey Arilla , isang IT journalist ng inq7.net hacknslash at editor ng In7 young blood (Blog addicts). Mula sa kanyang blog ay nagsimula ang pagiging obsess ko ng makita ko ang isang animation and comic strip.

Sya si JAC TING LIM ang artist ng Away Agila, na kauna-unahang Philippine made 3D fighting game for PC. natuwa ako ng pumasyal sya dito sa alaeh.net at nagleave ng simpleng message sa aking shoutbox. Hindi lang s'ya isang comic disigner/artist/strip, isa din s'yang Model ng Bikini bodies at nanalo sa Peoples choice award . bisitahin n'yo ang ang kanyang profile para malaman n'yo kung gaano s'ya ka-asteeg.

Marami din s'yang project na nakaka-inlove katulad ng kanyang PILYA animations, na pinagsusumikapan ko makakuha ng kopya. Sa kanyang shoutbox nangako ako ng pagiging isang stalker and let see how long it will last hehehhe. For the meantime magtitimpla muna ako ng kapeng barako dahil kaming mga batangueno ay laging naghahayin ng kape lalo na kapag may isang seksi na bisita na pinagkaka-obssesan hehehhe. To you Jac thank you for visiting this humble site, sana balik-balikan mo ang Dzune Online-ang sweet mong stalker and forever fans ng comic strip mo hehehe.

Muling paglayag ni Jun at Sunday, July 31, 2005

|