Jump to navigation

 

 

Sunday, July 24, 2005

OFW: Kaming mga BAYANI sa Gitna ng Krisis.


Pinapanood lang namin kayo, sige magbatuhan lang kayo at magsiraan. Pare-parehas lang naman kayong mga demonyo, maghihitay na lang kami ng resulta ng inyong laban, ngipin sa ngipin ang inyong agawan sa palasyo, agawang matira ang matibay. T@%$-ina n'yo!

Sige sirain n'yo ang kinabukasan ng Bayan, wala na kaming paki-alam, matagal na kaming naghihtay, matagal na kaming umasang makakuwi na kami sa panahong nakabangon na ang bansa, pero kailan pa kaya?, ilang dekada na rin naman kayong ganyan. Wala na kaming sisihin, wala na din kaming sasamahan, manonood na lang kami, parang isang series na lang ng Batman o kaya naman ay isang episode ni Superman. Enjoy kaming manood sa inyo, nakakatuwa ang mga style n'yo, Gloriagate, hello garci, wire tapping, goverment destabization ng pro-erap, ang madamdaming sariling SONA ng Lacson. Uupo sa pwesto ang succesor na si Noli, magresign na daw si Gloria sabi ni Cory, rules of law naman daw ang sabi ng iba (meron pa ba n'yan sa Pilipinas, impeachment, snap election o kay SUSAN na tayo. ha! ha! ha! para kayong cartoons.

Ha! huwag ba namin pagtawanan ang usapin ng krisis na ito, ano kayo sinuswerte, iisipin pa ba namin ang inyong katanagahan, eh pagod na nga kami sa pagiging modernong SPOLARIUM. Saka sino ba ang may gusto n'yan kayo naman ah! Kaya nga papanoorin na lang namin kayo, pampalipas oras din namin habang nagpapahinga pagkagaling trabaho. Magsisikap na lang kami para sa sarili namin, dahil wala naman kaming maasahan sa inyo. Saka kelan ba kayo naawa sa amin, itinataboy n'yo pa nga ang karamihan dyan para maging kaisa namin, kaisa namin at palabigasan ng bulsa kung sino man ang uupo sa inyo. Itinataboy n'yo ang ibang Pilipino lumabas ng bansa dahil aminado kayong wala kayong silbi at wala kaming makukuha sa inyo. Isa pa ha t@#$-ina n'yo ulet!

O! magrersign na ba? uupo na ba si Noli, malamang magaglit si Drilon kasi magkasama naman silang nandaya ni Gloria, saka isa pa chance na n'ya ito para magign caretaker ng bansa. Pero papayag ba si Erap, nde rin siguro, handa na nga daw s'yang ipagpatuloy ang naudlot n'yang term, eh paano si Lacson! sows dinaya n'yo rin s'ya ah! kaya may karapatan din s'ya , eh yun kayang snap election ni tita Susan, nangangampanya na nga eh.

Okey para walang away, ganito na lang kaya, tutal para naman kayong cartoons at may ugaling bata, baha-bahagi na lang. Kaya sige aaluin na lang namin kayo para hindi na kayo mag-away, gawin na lang nating lima o anim ang Pangulo sa bansa, yan ha lahat kayo President of the Republic of the Philippines, kewl diba? Huwag na kayo mag-aaway ha, eh teka paano yung wannabe like Presindent na kagaya n'yo, andyan si Singson, Binay, Imee Marcos, Pimentel, Guinggona , paano kung gusto rin nila, ah alam na namin kapag may gusto at may lalabas na wannabe Like Pres. eh di dagdagan na lang natin ulet ang Vacant Sit sa Highest Position of the land, o eh di walang away. Pero teka-teka, paano yung papadala naming remittance na kukurakutin n'yo, mukhang magkaka-probs tayo dun, okey share-share na lang kayo, walang lamangan ha!

At hey! mga wannabe Pres. , huwag ninyong kakalimutang magkumpisal at umamin ng kasalan, okey lang naman yun kasi sabi ng Diyos, patawarin ang mga nagkasala. Kaya hindi na natin kailangan ang Pulis, mag-sorry na lang pag nakapatay, pag-nandaya sa election at nabuking, pag-nangrape pede na rin ang sorry, saka laaht ng krimen pede na ang sorry. RULES of LAW! uten n'yo! walang ganyan sa Pilipinas kaya huwag kayong magpaka-hipocrite, niloloko n'yo lang sarili n'yo.

Pero teka Sorry seems to be the hardest word ah! okey bahala na nga kayong basta kami tuloy ang buhay, tuloy ang kanya-kanyang gimmick para mabuhay.... At hey balak ko bumili ng Play Station Portable sana kay ang mga karakter.....

Muling paglayag ni Jun at Sunday, July 24, 2005

|