Wednesday, August 10, 2005
Bahala na si Batman!
May bagong naglayag at nahuli ng sapot ng Dzune online, at kung inaakala ninyo na ang garapata ay nasa aso lang, now pede ko sigurong sabihin nagkakamali kayo, part siguro ito ng evolution. Ang bisita ko ngayon ay isang garapata na wala sa aso, nasa loob sya ng cyber space, s'ya si Tobie Abad ng garapata can speak. Sinisid ko ang kalaliman ng kanyang sapot at nalaman ko na s'ya pala ay connected sa abs-cbn global. Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang masyado niyang alam dahil hindi ko pa masyadong nasisid at lahat ng mga posting nya sa kanyang blog.
At doon nga pala sa mga nagtatanong kung sino si Ederic Eder, s'ya ang isa sa may ari ng pinaka matandang pinoy blog, kulumnista at patnugot ng tinig.com ang youth ezine o tinig ng bagong salinlahi. Kasalukuyang head researcher ng GMA7 for News and Public affairs.
Silang dalawa bukod sa iba pang surfer ng aking blog ang mga asteeg na bisita ko paminsan-minsan, sila din ang mga online journalist na kung tawagin ko ay Batman. Batman dahil gumagamit sila ng sapot ng cyber space para iparating sa ibang kababyan natin kung ano nangyayari sa kanilang paligid at sa Pilipinas. Batman ulet dahil alam ko na maaring sila ang maging daan upang mapag-usapan ang tungkol sa kaso ng mga illegal migrant sa South Korea. Kaya sa inyo mga Batman salamat sa pagbisita at alam ko na tutulungan ninyo ang mga migranteng Pilipino dito sa South Korea. Bahala na kayo! Bahala na si Batman sa EPS : Empowering People against Slavery!

Muling paglayag ni Jun at Wednesday, August 10, 2005
|