Monday, September 26, 2005
"Tilaok ng Batangas," Inilathala ng UST
…Nanawagang tangkilikin ang akdang Pinoy
“Di nga lang pala toothpick at cotton buds, pati pagkain ng utak, sa dayo tayo bumibili,” pahayag ni Manolito Sulit sa kanyang masisteng talumpati, kasabay ng paglalabas ng kanyang libro ng mga tula, Ibang Daan Pauwi, nitong Setyembre 8.
Inilathala ito ng University of Santo Tomas Publishing House bilang bahagi ng proyekto nitong “400 Titles for 400th Anniversary in 2011” ng UST.
Maituturing na unang makatang awtor ng Ibaan ang 33-anyos na Tomasino, na isa ring boses ng pagbabago sa kanyang bayan.
“Naroon din ako sa bookfair, umuuli lang, at walang balak bumili… Usisain nga natin kung ano’ng pinilahan ng mga may pambili. Saan-saan ba napasingit ang ating mga awtor?” ani Sulit sa isa pa ring bahagi ng talumpati.
Naniniwala ang awtor na umaabot hanggang sa ekonomiya ang epekto ng isipang kolonyal ng mga Pilipino. Dahil hindi tinatangkilik ang mga akdang Pinoy, kaunti lang ang nailalathala at syempre’y mahal ang presyo ng mga ito.
Dahil akdang dayuhan ang binabasa, inaakalang mas magagaling sila at nagiging mababa ang pagtingin ng mga Pilipino sa sarili.
Mas malaki ang epekto nito sa mga kabataan, na inilarawan ng isa sa kanyang mga tula, pinamagatang “Libro,” na mistulang mga turistang dinadala sa ilang magagandang tagpo at palayo sa katotohanan.
May paunang salita ng Ramon Magsaysay Awardee at tinitingalang manunulat na Batangue?o sa bansa, Bienvenido Lumbera, ang 45 tula sa koleksyon na may boses ng mangingibig, pantas, at mandirigma, at may haing mga sagot sa pag-ibig, buhay, kawalang-hanggan, at hinaharap ng bansa.
Nauna na siyang taguriang “tilaok ng Batangas” ng makata ng Quezon na si V.E. Carmelo Nadera, Jr.
Pinuri naman siya ng pangunahing makatang Cirilo Bautista, sa kanyang “kakayahang lumikha ng isang daigdig ng tula na hindi lamang makasining kundi makatao pa rin.”
Kasalukuyang mabibili sa Cultural Center of the Philippines sa Maynila at Father’s Nook sa Ibaan ang koleksyon ni Sulit. Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni sa UST Publishing House sa mga numerong 731-3522 at 09185409350.

Muling paglayag ni Jun at Monday, September 26, 2005
|