Jump to navigation

 

 

Sunday, August 28, 2005

Karol Josef' Wojtyla : Ang Pangdaig-digang Ugong ng Kabataan

Kung medyo 30ish at yuppies ka...... berks tayo!

Nabuhay tayo ng panahong nagsisimula pa lamang gamutin ng bayan ang mga sakit sa damdamin na nai-dulot ng ilang pananakop. Ang mga magulang natin ay tira-tirahan ng bala ng hapon.

Naging saksi ang ating henerasyon sa unang paglipad ni Superman sa black and white TV. Nahilig din tayo sa panonood ng Voltes V na pinatigil naman ni Makoy dahil nagiging bayolente daw tayo. Nasaksihan din natin ang team effort ng Transformer, Bioman at syempre ang paborito ng marami na si Shaider. Bukod sa ating abakada ay nahilig din tayo sa pagbabasa ng komiks , nariyan ang Ikabud Bubwit ( ang kritikong daga) Asyong Aksaya, Mang Kepweng, Darna at marami pang iba.

Natakot din tayo sa mga sound effects ng Gabi ng Lagim habang nakikinig ang ating mga ate at kuya. Nakabisado rin natin ang awit na Mr. Lonely dahil kahit saang bahay na may transistor na radyo ay ito ang maririnig mo tuwing sasapit ang tanghali at nariyan din ang kablag-kablag sa Simatarrrrrr. Napupuyat ka din kay Johnny Midnight tuwing nagtotoning ang ating Nanay at Tatay at nagtataka tayo kung bakit kailangan pa ilagay sa harap ng radyo ang ilang baso ng neskape na may lamang tubig.

Natunghayan din natin ang pakikipaglaban ng mga kabataan-katulad ni Edgar Jopson, at ang madugong lansangan ng Mendiola, Plaza Miranda at Liwasang Bonifacio. Ang mga kabataang naromantikuhan sa pakikibaka dahil sa kanilang common enemy-si Makoy. Naging bahagi din tayo ng Edsa Revolution na s'yang tumapos sa ilang taong diktatorya at nasaksihan natin ang ilang papalit-palit na Pangulo ng Plipinas pamula kay Corazon Aquino hanggang sa kasalukuyang-Gloria Arroyo.

Ang pinakamagandang nangayari sa ating paglaki at ng ating henerasyon, ay ang pag-upo ni Cardinal Karol Jesef' Wojtyla na mas kilala natin sa POPE JOHN PAUL II , bilang pinakamataas na pinuno ng simbahang katoliko. Naging gabay natin ang mahal na Santo Papa mula noong ating kabataan hanggang sa mga sumunod na edisyon ng ating buhay. Naging tagapagtanggol ng ating pananampalataya at nagpalakas ng espirito ng kabataan para manindigan. Ipinaabot niya sa buong mundo na nasa kabataan ang kinabukasan ng Simbahan at ng buong Mundo. At ang pinakamalungkot ay ang kanyang paglisan . Subalit hindi tayo tuluyan iniwanan ni POPE JOHN PAUL at hindi rin s'ya nabigo sa mga kabataang kanyang iniwan at ang patunay nito ay ang pangyayaring nagaganap ngayon saan man sulok ng mundo.

- Ang Live 8 concert na naganap sa sampung panig ng bansa at may hanagarin iparating sa G8 ( Group of Eight Countries) na tapusin ang 30,000 namamatay dahil sa kagutuman sa Africa na may temang MAKE POVERTY HISTORY. Karamihan sa sumupurta ay ang kabataan sa buong mundo at ang isang nangungunang sumusuporta ay si BONO (dating anti-POPE) ng bandang U2. Nakiisa naman ang Pilipanas sa mga email-group forums at paglalagay ng links sa kani-kanilang web-blogs.

- Ang paninidigan ng kabataang-Muslim sa Fallujah, Iraq para matigil na ang giyera sa kanilang bansa at ginawa nila ito sa pagpakalat ng mga balitang hindi lumalabas sa anumang klaseng media at narinig naman ng CNN kung kaya't inilabas ang WAR ON IRAQ-DEAD WRONG dahil wala naman talagang weapons for Mass Destruction si Saddam Hussien.

- Ang kabataang-Hudyo sa Gaza Strip Israel, nanindigan sa Pullout Policy ni Ariel Sharon. Kapit-bisig sila sa loob ng kanilang Synagogue sapagkat naniniwala silang walang sino-mang Hudyo na nagtataboy sa kapwa Hudyo sa lupaing kanilang kinalakihan at lilisanin lang nila ito kung sapilitan silang kukuhanin sa loob ng Synagogue.

-At ang kabataang-Kristiyano sa China naman ay nanindigan magpunta sa Aleman para sa Pandaig-digang Araw ng kabataan, gaano man kalabag ang kanilang Pamahalan ay marami din Chinese Pilgrims ang nakarating.

Sa ilang pangayayaring naganap at nagaganap ngayon sa buong mundo, patunay lamang ito na hindi tayo tuluyang nilisan ng mahal na Santo Papa. Nasa bawat kabataan s'ya na naninindigan sa isang mapayapang pamamaran. Malaki ang tiwala n'ya sa ating kabataan at naniniwala din s'yang hawak natin ang kapayapaan, tayo ang susi na magandang bukas ng mundo. Patunay ng kanyang pagtitiwala ay ang pagtatayo niya ng Pandaig-digang Araw ng Kabataan ( World Youth Day) . Kaya panawagan ito sa lahat ng Kabataan, sa lahat kong berks, hawak natin ang panahon, hawak natin ang kanyang pagtitiwala, manindigan tayo sa ating pinaniniwalaan at huwag tayong matakot. Hindi kailangan ang isang madugong paninindigan, hindi natin kailangan sumigaw sa lansangan sapagkat sa apat na sulok ng ating silid ay maari tayong manindigan at ihayag kung ano ang nais nating malaman ng mundo. Ito ang tamang panahon, hawak natin ang bukas ng ating magiging mga anak, kapit kamay tayo sa bisig ng pagiging-Catalyst of Change, Pilgrims of God.

Muling paglayag ni Jun at Sunday, August 28, 2005

|

Sunday, August 21, 2005

Hyewhadong Escapades : Sa Tahanan ni Amang at Replika ni Inang

Isang nagmamadaling umaga ang kinaharap ko ngayong linggo para sa mahigit 3 oras na pagtitipon. Mula sa liwasan ng tren tumatakbo akong lumbas at binagtas ang kahabaan ng Daehangno. Ewan ko ba! kung bakit naging ritwal na para sa akin sa tuwing dadalo ng pagtitipon ay kailangan dumaan sa Cummunal Room at ma-interrogate.

.....Nang Ma-interrogate sa Cummunal Room
Kaya't nakipagsiksikan ako sa isang mahabang pila sa loob ng Cummunal Room na matatagpuan sa ilalim ng isang coffe shop sa may gilid ng St. Benedict Parish. At mula sa loob, sasalubungin ka ng kaka-ibang amoy, dahilan siguro ito ng sobrang daming Pilipino na pumapasok dito galing sa kani-kanilang walks of life. Sa loob ng cummunal room mapapansin na kulang sa interrogation officer, 3 lamang ang naka-aasign at may mga close cubicle din naman na humahawak ng matitinding kaso tulad ng call of nature. Sa ilang minutong paghinhintay ay dumating na rin sa punto na ako na ang tinawag ng interrogation officer at dahan-dahan ko na inilabas ang aking ulo at unti-unti pinadaloy sa kanyang katawan ang nagpupumiglas na tubig o sa madaling salita undigested water. Hindi pa ako natatapos kuhanan ng DNA test ay may isang mamang pumasok sa Cummunal Room na umaawit sa pamamagitan ng pagsipol at kung hindi ako nagkakamali nasa tuno s'ya ng otso-otso. Nakadamit ng puti, naka-pantalon ng itim at itm din ang sapatos. Pamilyar sa akin ang mamang ito, hindi ko lang matandaan kung saan kami madalas magkita at kung hindi ako nagkakamali parang nakita ko na s'ya sa liwasan ng Quiapo. Hindi ko na masyadong nabigyan ng pansin at pag-isipan kung saan ko s'ya nakita dahil malapit na ang pagtitipon. Kaya't madali kong pinitik ang aking ulo para maalis ang natitirang mainit na tubig. Mabilis kong nilisan ang Cummunal room at ngayon handa na ako sa pagtitipon.

..... And the Occasion begins
Sa loob ng pagtitipon ay iba-t-ibang klaseng theory at istorya ng buhay ang iyong masasalimin, at uulitin ko dahilan siguro ito na iba't-ibang walks of life ng mga taong nagsidalo. Kung susumahin ang klasipikasyon ng bawat taong naroon maaring bigyan nag apatnapong porsyento(40%) ang paksyon ng mga Class A Attendance. Ang Class A attendance ay yung mga nagsidalo na may sagradong intensyon, mga taong lumabas at dumalo sa pagtitipon para manalangin nang taimtim, mga taong walang ibang dahilan kundi ang dumalo sa pagtitipon. Tatlongpung porsyento naman ang paksyon ng Class B Attendance at sila naman ang yung mga taong kaya nakadalo ng pagtitipon ay may mga kailngan gawin sa paligid ng Hyewhadong ( ie: magpapadala ng pera, bibili ng fone card, mamamlengke etc) at nadamay na ang pagdalo sa pagtitipon. May malaki ding ambag ang Class C Attendace na may dalawangpung porsyento (20%) at sila ang paksyon ng mga taong dumalo sa pagititpon para sa isang Hunting, maghanap ng pwedeng kakopol, maghanap ng dating kakopol, magtanong ng trabaho sa mga kakila nasa loob ng pagtitipon, mga taong nag-iiyakan sa loob dahil iniwan ng syota, habang nagaganap ang pagtitipon at maraming pang iba. At ang pinakahuli at pinaka-mababang klasipikasyong na dumalo sa pagtitipon ay ang Paksyon ng Class D Attendance na may sampung porsyento at sila naman yung mga taong dumalo sa pagtitipon para maisuot at bagong damit na Aber Crombie and Fitch at ang Lebron James na sapatos, sila din yung mga wannabe like saints, pero madami silang problema sa buhay. Nasa loob sila ng pagtitipon para sa sariling intensyon o sa madaling salita sila ang paksyon gn mga hipocrite.

Masaya ang pagtitipon, at higit mo mararamdaman ang saya kung kabilang ka sa Class A Attendace, kung isasantabi mo muna ang pang-mundong intensyon at bagkus ay taimtim na tanggapin si Amang sa iyong puso. Maluwag ang damdamin at parang may kakaibang lakas na nakukuha ka habang patuloy na nagaganap ang pagtitipon. Sa bawit awit ng papuri, sa bawat salita na naging pagkain ng ating ispiritu, parang unti-unti naalis ang iyong kasalan sa isang linggo ng iyong buhay. Kayat sa pagtatpos ng pagtitipon dahan-dahan uusad ang ilang libong nagsidalo papalabas ng tahanan ni Amang....

..... Shopping Spree sa Paligid ng Tahanan
Mula sa tarangkahan ng tahanan ni Amang, bahagyang umuusad ang daloy ng tao, at sasalubungin ka agad ng "kabayan fone Card" at habang nakaa-bang na sa iyo ang hanay ng pandesal na katabi ng karaoke at kung mahilig ka sa sagu at gulaman tamang-tamang panghatid ng uhaw.Sa may tabi ng tawiran at sasalubungin ka naman ng grupo ng Generation X-man, sila ang mga nag-aabang ng fafah material, magaganda ang kanilang bansag tulad ng Rhoda na Rodrigo ng umalis sa Pilipinas, may Aiko at marami pang iba. Katabi nila ang nakalatag na na tilapia ng Manang na may karatulang 3/10,000won, masarap at sariwang tilapia. At kung tititngin ka sa kahabaan ng lansangan at iba't-ibang klaseng at pruduktong pinoy (name it, you have it). Hindi makakaligtas sa akin ang paborito kong taho, na minsan at nakaktatlong baso ako at habang nag-eenjoy ako sa paghigop ng taho ay sinamantala ko ang paghahanap ng pirated DVD ng pelikula ni Johnny Depp na Willie Wongka. At hindi pa ako nakakalayo at bumungad sa akin ang mamang nakita ko sa Cummunal Room, sinasabi ko na nga ba! hindi ako nagkamali, isa din s;yang magtitinda pero ang kanyang prudukto ay salita ng Diyos. At medyo asteeg s'ya dahil mayroon s'yang mic at pinakamalaks ang kanyang boses sa lahat ng magtitinda na naroon. Muli hindi ko na masyadong s'ya pinansin dahil ang My Twin Evil Brother ay nagpupumiglas na lumabas sa aking katauhan kaya pinilit ko na maging busy sa paghahanap ng DVD ni Johnny Depp.

..... Kung hindi dahil sa Baegon disin-sanay kumalat ang salita ng Diyos
Sa may ilalim ng puno saglit ako nahinto, at may isang babaeng lumapit sa aking na may dalang puting box . May naka-imprentang "Love Offerings" at may bibble verses pa na hindi ko naman nabasa. Naisip ko na baka kailngan nito ng "Love Notes". At kinausap ako ng babaeng na itago na lamang natin sa pangalang Princess Sarah at ako naman si Prince Zenki at ganito ang naging daloy ng aming pag-uusap.

Princess Sarah: Love Offerings po (with a smile)
Prince Zenki : Love Offering para kanino, para sa'yo ba?
Princess Sarah : Hindi po!
Prince Zenki : Eh! para saan nga yan?
Princess Sarah: Para po sa pagpapakalat ng Salita ng Diyos
Prince Zenki: Ha! Kumalat na kanina sa loob ng St. Benedict Church ang salita ng Diyos ah
>>>>>>>>> at nagmamadaling umalis si Princess Sarah na nakasimangot (di lumabas din hehehhe)


.... When hipocrisy becomes a good business
Malaking insulto sa akin ang ganitong engkwentro, insulto para sa aming dumalo sa piging ng Amang. May paggalang ako sa iba't-ibang paniniwala ng tao at alam ko naman si Mamang Tindero at si Princess Sarah ay my right love, but in a wrong time, in a wrong place and at the wrong man (thats me). Nagpapa-alala sa akin ang ganitong pangyayari sa isang maling paniniwala ng tao, katulad ng isang forum and one of the forum member qouted as saying:

"Sa aming pong pastoral office ay nag-aanyaya para mag-aral ng Salita ng Diyos habang nasa Korea at magpatayo ng sariling simbahan pag-uwi sa Pilipinas at magkanegosyo"

Katulad din ito ng iba kong mga kaibigan at kakilala na nagyaya minsan sa akin para umatend sa Freksbetarian dahil may libre daw bigas, toyo at iba pang grocery at ang pinaka-highlights ng kanilang pagtitipon ay ang free sangyupsal. Parang yung mga El Condor Pasa, na sumisigaw na paliparin ang lobo may kasamang sobre. Ang sobre na iipunin pambili ng malaking stock ng isang Newspaper Agencies

.....I therefore conclude
Natatakot ako na baka dumating na sa punto na maging isang Quiapo na ang Lansangan na Hyewahadong, natatakot dahil kakalat na ang mandurukot, may bangketang may nagtitinda ng iba't-ibang klaseng gamot at pito-pito na may label na pangparegla, pampalambot ng tae, pampatigas ng ari, kung ano-anong gamot na kapituhan at ang mas nakakatakot ay ang gamot na may label na pampalag-lag ng bata.Sa ganitong punto nakataya ang dignidad natin bilang Pilipino sa dayuhan bansa. Mga migrateng naghahangad na mabago ang sistema ng sarili nating bayan. Malaki ang impact ng pangyayaring ito sa mata ng Bansang ating ngayon kinasadlakan, sa Hywehadong nakaktutok ang simpatiya at dito kumukuha sila ng kunklusyon kung anong uri tayo ng tao. Kaya kung gustuhin man natin magbago ang ating sariling bansa ay umpisahan natin ito sa ating sarili at sa maliit na kumunidad na ating kinabibilangan sa dayuhang bansa. At ang pagbabago ay hindi makakamit ng isang buong magdamag at kailngan umpisahan natin ito sa ating sarili, sa ating kumunidad na s'yang nagsisilbing Tahanan ni Amang at Replika ni Inang Bayan... Ang St. Benedict Church, Hyewhadong...

=========================================
Photo Credits : Korea Zone International

Muling paglayag ni Jun at Sunday, August 21, 2005

|

Monday, August 15, 2005

Updated na Tinig

May bagong mga isyu sa tinig.com (ang tinig ng bagong salinlahi) at narinig nila ang Panaghoy ng Kabataang Migrante Sa South Korea. Una kong isinulat ito para sa isang blog entry ko dito sa dzune online at nalahtala sa Newsgate Magazine ( Ang Filipino Printed News Magazine sa South Korea for Filipino Migrants.) pero hindi nila nilagay ang author (Plagiarism ba ang tawag dun hehehhe)kaya bisitahin n'yo ang bagong update na tinig.com.

Kahapon naman nakakuha ako ng kopya ng Sambayan News Letter ( Publication ng Filipino Migrants in Seoul) at naisama nila sa kanilang Editorial section ang aking submitted article na nasa baba ang kopya and thanks to Fr. Dong Marcaida.


A Mother of all our Woes

For Inay, for ate Lydia , for ate Liza, for motherhood

…….. Dahil pandesal ang batayan ng mabuting Ina

Sa isang tipikal na kaanyuan ng pamilyang Pilipino, sa banta ng krisis, sa kawalan ng pagkukunan ng kabuhayan… Saan mo hahanapin ang mabuting Ina? Sapat na bang may nakahaying pandesal sa umagahan? Batayan ba ng pagiging mabuting ina ang bigyan ang anak ng diploma sa dingding, pagkain sa hapag kainan, isang desenteng bahay.

Saan at paano pa natin hahanapin ang isang mabuting Ina?

Kung iisipin at huhukayin ang tunay na kailngan ng isang anak, hindi sapat na batayan ng isang mabuting ina ang punan at tustusan ang pangangailan ng katawang-lupa ng isang anak. Maraming pangangailangan ang isang anak na hindi nakikita at nabibigyang pansin, at dahil nga nasa aming mga kabataan nakasalalay ang kainabukasan ng bayan at ng simbahan, malaki ang responsibilidad ng isang ina upang tawagin s'yang mabuting Ina.

Mula sa ugoy ng duyan nagsisimula na kaming magtanong. Sa bawat patak ng luha at iyak namin sa inyong kandungan, hinahabi din namin ang mga tanong sa mundong bago sa aming panlasa at paningin.. Kasabay ng pag-aaral namin ng aming unang alpabeto, ng aming unang mga tula, ng aming mga unang himig at mula sa pagkabata hanggang marating namin ang ikalawang bahagi ng buhay , dumarami ang aming pagtatanong. Nadaragdagan ang pangailangan namin, subalit alam naming nariyan kayo para kami ay gabayan, at alam naman naming hindi kayo nakakalimot sa pangangailangan ng aming katawang lupa.

Subalit natatakot kami sa kung ano ang darating na bukas, hindi namin alam kung saan kami dadalahin ng pagkakataon, at ng sirkulong tinatawag ng buhay sa ibabaw ng lupa. Maraming mga bagay na nais naming tuklasin, mula sa aming sarili, sa aming mga kaibigan, kung anong propesyon ang mabuti para sa amin, sa mga tao at paligid. Naguguluhan kami sa iba't-ibang aral ng mundo. Mula sa adbokasya ng simbahan at adbokasya ng pamahalaan, hindi namin alam kung ano ang mas dapat naming paniwalaan, isabuhay at sundin. Iniisip namin kung ano ang intensyon ng mundo at ng tao para sa amin. At higit sa lahat kung ano ang intensyon ng Diyos para sa amin.

Kaya mabuting ina kayo para sa amin kung parehas ninyong natutugunan ang pangangailan naming inyong mga anak at ito ay pang-katawang lupa at pang-ispiritwal. Kailngan namin ang isang ina sa mga oras na humihina ang aming ispiritu at paniniwala. Ang ina nagsasabi sa anak na "Anak sa Diyos ka kumapit" .Kailngan din namin ang isang ina na nagsasabing mas masarap mabuhay ng simple na nasa landas ng isang pagiging mabuting alagad ng Diyos. Kailangan din naming ang isang Idolo, ang isang ina na naglilingkod sa tao at simbahan, naghahatid ng mga aral ng Diyos , ang ina na nagsasabi sa anak ng mga nilalaman ng mabuting salita o bibliya. At katulad din ng maling paniniwala at pagkaunawa ng karamihan sa atin sa salitang binitiwan ng mga pari ang "Kaawaan mo ang mga naghihikahos" itoy hindi naghihikahahos sa pinansyal kundi naghihikahos na ispirito ("Blessed the poor" it is not poor financially but poor in spirit). Kailngan din ng isang anak ang isang inang nakaagapay sa mga pagkakataong naguguluhan sa pangyayari ang isang anak, lalo pa kung ang isang anak ay may ibang prinsipyo at nalihis sa paniniwalang pangsimbahan. At ang inang nagsasabing "nangyayari ang lahat dahil ito ang gusto ng Diyos para sa'yo" bagay na pipigil sa amin upang saglit na matigil at gamutin ang lumalayong ispirito.

Malalim at parang mahirap mahanap isang mabuting Ina sa sitwasyon at mayroon ngayon ang mundo. At mahirap din sa isang ina na mag-pakabuting ina sa pagkakataong naglalayag at naghahanap s'ya ng pagkukunan ng pagkain ng katawang lupa ng isang anak, mahirap dahil kailngan lumayo ang isang ina. Subalit saan may narooon ang Diyos at hinihintay lamang kayo para patunayan sa inyong mga anak na kayo'y isang mabuting Ina. At ano man ang layo ninyo sa inyong anak makakarating at makakarating ito sa kanya at sa ganitong punto masasabing ng isang anak na idolo ko ang aking Ina. At kahit pa sa panahon ng inyong paglalayag at pagkawalay sa anak, gamitin ninyo ang mga bagay at paraang nag-uugnay sa inyong dalawa para iparating sa anak kung anong kaligayahan mayroong kayo sa piling ni Hesus. Subalit alam naming nahihirapan kayo kung ano ang paraan para lubusang maging mabuting ina. Magiging isang mabuting Ina kayo kung titingnan ninyo ang mga inang naglilikod ngayon sa atign parokya at simbahan, at sakyan n'yo lang ang mga sinabi ko't sapul ang pagiging mabuting Ina.

Muling paglayag ni Jun at Monday, August 15, 2005

|

Wednesday, August 10, 2005

Bahala na si Batman!

May bagong naglayag at nahuli ng sapot ng Dzune online, at kung inaakala ninyo na ang garapata ay nasa aso lang, now pede ko sigurong sabihin nagkakamali kayo, part siguro ito ng evolution. Ang bisita ko ngayon ay isang garapata na wala sa aso, nasa loob sya ng cyber space, s'ya si Tobie Abad ng garapata can speak. Sinisid ko ang kalaliman ng kanyang sapot at nalaman ko na s'ya pala ay connected sa abs-cbn global. Hindi ko pa masyadong alam kung ano ang masyado niyang alam dahil hindi ko pa masyadong nasisid at lahat ng mga posting nya sa kanyang blog.

At doon nga pala sa mga nagtatanong kung sino si Ederic Eder, s'ya ang isa sa may ari ng pinaka matandang pinoy blog, kulumnista at patnugot ng tinig.com ang youth ezine o tinig ng bagong salinlahi. Kasalukuyang head researcher ng GMA7 for News and Public affairs.

click the image to enlargeSilang dalawa bukod sa iba pang surfer ng aking blog ang mga asteeg na bisita ko paminsan-minsan, sila din ang mga online journalist na kung tawagin ko ay Batman. Batman dahil gumagamit sila ng sapot ng cyber space para iparating sa ibang kababyan natin kung ano nangyayari sa kanilang paligid at sa Pilipinas. Batman ulet dahil alam ko na maaring sila ang maging daan upang mapag-usapan ang tungkol sa kaso ng mga illegal migrant sa South Korea. Kaya sa inyo mga Batman salamat sa pagbisita at alam ko na tutulungan ninyo ang mga migranteng Pilipino dito sa South Korea. Bahala na kayo! Bahala na si Batman sa EPS : Empowering People against Slavery!

Muling paglayag ni Jun at Wednesday, August 10, 2005

|