Jump to navigation

 

 

Thursday, November 24, 2005

It's difficult, but life must go on!!!

Saglit akong kinaon ng tunog ng punebre at inihatid ang isang mainit na dugo na tumatagos sa aking mga litid. Nagluluksa pa rin ang aking isip at pinipilit palitan ng mga masasayang ala-ala noong panahon ng aking kabataan, mga ala-alalang sa piling ng isang babae na s'yang humubog sa akin, may malaking parte ng buhay ko at kung ano ako ngayon.

Subalit kailangan muling buhayin ang katawang lupa na kaluguyo ng mundong ito. Pansamantalang gamitin kung ano ang aral na itinuro ng isang pinakakamamahal na babae sa buhay ko sa loob ng 29 na taon sa mundong ito-ang Ate. Kaya upang magamot ang nagluluksang isip at puso ay muli ko bubuhayin sa aking sarili ang mga bagay kung saan niya ako malimit ipagmalaki, sa bagay na labis s'yang natutuwa dahil ano mang hirap ang pinagdaan ng pamilya ay naging matatag ako.

Whoever said that boys don't cry lied. Boys do cry, and they cry when what makes them stand falls- a woman. Pero kailngan pahirin ang luha at tumayo muli sapagkat ang bilin n'ya sa akin ay " Utoy huwag kang lampa" . Kaya muli akong tatayo, aaluin na lamang ang isip na ang buhay ay hindi pahabaan, yan ay kung paano ginamit ang buhay. Kaya sa panibagong pagbangon ay gagamitin ko ang aral ng awiting na madalas nating kantahin...

Ebony and ivory live together in perfect harmony
Side by side on my piano keyboard, oh lord, why don’t we?
We all know that people are the same where ever we go
There is good and bad in ev’ryone,
We learn to live, we learn to give
Each other what we need to survive together alive.


Para sa'yo ang website na ito at ang nomination ko sa Philippine Weblog Awards at isa ako sa semifinalist sa Best Blog of the year Category.. Alam ko na you always proud of me... diba !!! I miss you `Te. and I love you so much.. Pakibulong mo na lang kay Jesus ang ating mga pangarap at problema...Magkikita pa tayo at pramis ko sau na pogi pa rin ako katulad ng bunso mo at iiwasan ko na maging bald at magka-saggy man breast at wrinkly old man.

Muling paglayag ni Jun at Thursday, November 24, 2005

|