Friday, June 25, 2004
Psst… Bertday ko daw???
Ah! nung ika-20 pa ng buwan ito, muntik ko na rin ngang makalimutan. Medyo ayaw ko alalahanin na may dumagdag na naman numero sa edad ko, pero wala akong magagawa andyan na eh bertday ko na. Kahit na gusto ko man pigilin pero wala naman akong magagawa, kaya hinarap ko ng buong lakas at sinabi sa sarili na life must go on!!! Oo nga eh 28 na ako pero nasaan na ba ako? Pero bago pa ako magpakasenti eto yung update ng isang linggo bago at pagkatapos ng bertday ko.
ika-14 Hunyo 2004
Sakit sa ulo ang ginawang pakiki-alam ng isang walang magawang hackers at pinasok ang server kung saan naka-save ang ilang website na mini-maintain ko ( eto yung Sambayanan Online , Batangas Association Website at ang aking personal blog). Kaya naman nawalan ako ng gana magsulat sa aking blog dahil sa sobrang daming ayusin at ang masakit nito nawalan ako ng back up files ng lahat ng site na nabanggit. Nai-report ko agad eto sa aming admin at may ari ng server na si Warly . Medyo parang connected sa akin ang taong nang-hack pero ayaw ko na magbigay ng info tungkol sa kanya kahit mas cute at sikat ako sa kanya sa cyber space.
ika-15 Hunyo 2004
Nagkaroon ako ng tatlong overseas call, yung una kong kausap eh si Ineng( yung bunso ko na kapatid ) masaya an aming conversation dahil ibinalita nya ang mag-iisang buwan na s’yang nag-wowork sa Meralco Foundation at kasabay nito ay tuloy –tuloy pa rin ang request ko sa kanyang mag-masteral sa UP kaya naman sobrang saya ng kuya at medyo na-miss ko ang batang inaalagan at kasa-kasama kahit pa ako’y uma-asiste sa pari (opo ! altar boy po ako dati ) na ngayon ay dalaga na. Yung sunod eh syempre ang aking new found love at syempre masayang-masaya ako dahil kahit sobrang busy s’ya at madaming international call eh ako ang naging priotity n’ya. Ang ikatlo ko namang kausap eh si James (ang aking Best Buddy at daddy ng bagong Gang ng Bubble gang) medyo dramatic ang aming pag-uusap dahil napagkwentuhan naming yung mga bagay sa buhay-buhay at kagaya ko rin s’ya na bagamat naka-sports Montero at bagong biling bahay sa bundok ng Los Ageles ay madami din s’yang problema, pero humirit at lumamabing pa rin ako na isang sketchers pero iintayin daw muna n’yang mag-sale (kahit kailan talaga eh barat to hehehhehe).
ika-17 Hunyo 2004
Naka-up na ang server at kahit busy ako sa work ay isiningit ko na i-configure ang bagong assigned dns para kahit may mga missing links ay naka-up pa rin at ang inuna ko eh yung Sambayanan Online dahil may mainit na isyu ditto tungkol sa petition ng mga pari to stop woman trafficking pero nde pa rin okey kasi nde pa naayos ng admin ang aking account kaya waiting pa rin ako.
ika-18 Hunyo 2004
Namalengke ako ng mga lulutin ko sa Sabado nights (June 19), magdadatingan kasi ang aking mga pinsan at mga friends kaya namili ako ng konteng aming pagsasaluhan. Yung putahe ko na naiisip eh tulad ng spaghetti, fried chicken, jun style sweet and sour bola-bola at pork b-b-que. Parang iba talaga ang birthday na eto, kasi nung last year ang mga taong kasama ko eh mga opis mate ko na may pagka-burgis ang celebration at medyo mahal kasi naman sa TIGF pero ngayon eh medyo naghihirap ang aking bulsa at ang isa pa napalipat na rin ako ng lugar at trabaho. Naalala ko na nun ko nadiscover ang Alfredo ng TGIF masyado akong nasarapan pero nde ko naman alam lutuin eto at huli na ng maiisip ko na mag-request ke Sassy Lawyer sa kanyang Cooking blog.
Ika-19 2004
Celebratiooonnnnnnnnn……. Fartyyyyyyyyyyyy
Maaga akong umuwi from work, at sumugod ulet sa palengke para bumili ng tinapay at mga kulang na recipe at pagkabalik ko sa bahay inumpisahan ko na timplahan, lutuin ang lahat-lahat. Mga 8pm ay nagdatingan na sila at masayang –masaya ako dahil sa presence nila medyo dramatik deep inside dahil kahit anong man kulay ng buhay ko ay sila nagsusuguran sa aking panawagan kahit medyo umuulan nun. May 3 akong cake, (from Bates, Al Rhajji at Manang ) at meron naming nag-bala ng gift katulad ng double stainless mugs form mards Tere na ang wish pa eh yung isa ay sa mapapangasawa ko hehehehhe, tapos si Eust nag-burn ng mga favorite kong mp3’s at Mr and Mrs Ronnie Molina ay nagbigay sa akin ng Jumbo Budwieser (alkansya para daw ako maka-ipon na hehehheh). At last thing na nakuha ko ay yung nakaktuwang gift ni magic at itoy walang iba kundi ang inaalbor ko sa kanyang shoes na binaloit pa nya hehehehheh. Bawat dumating ay may kanya-kanyang bitbit katulad ni pareng Dante (isang case HITE beer) si pareng Cesar (isang case na OB beer) at si pareng Toto (3 case ng Budwieser). Importante yung mga dala nila hehehhe, pero mas importante ang presence nila kasi naman medyo napa-iba ako ng way of life pero andyan pa rin sila at sinasamahan ako sa lahat ng panahon. And the farty lasts until dawn.
ika-20 Hunyo 2004
Thanks God Im still Alive!!!
Yup that’s it! This is the day, ayaw ko talagang magpakasenti pero maiiwasan ko ba? sa mga pangyayari at engkwentro ko at mag kwentuhan kagabi nasaan naba ako. Tama nga yata ang yung brother ko na ANO BA ang narating ko. Tinanong ko nayan dati way back 1996 ( ano kaya ako pag-28 na ako) at eto ako ngayon, nde maipaliwag kung ano ang the hellish world I have. Pero pinilit ko naman sundin kung ano ang gusto ko, pinagsumikapan at pinag-aaralan kung paano mararating yung goal ko, pero still I am a looser ata. Ayaw ko masyadong ikwento pa ang boring kong LIFE…. Pero sana lang bago natin hanga-an at punahin ang isang tao eh kapag nasa loob na sila ng apat na sulok ng katahimikan. Kaya muli thanks God I’m still alive and still dreaming….. Happy Bithday ulet saken….
Ika-21 ng Hunyo 2004
Ilan lang ang email at mga birthday greetings na naricib, from alumni.net, keenhoroscope, TIG website, from Aileen tapos yung kay Fr. Dong (yung aking mentor at spiritual adviser) after ng greetings nya eh nadiscuss nya yung tungkol sa Sambayanan Online renewal ng domain at server. Medyo napagkasunduan yata ng Council ng Hyewhadong Filipino Catholic Community na hindi na i-renew , kaya sobra akong nanghinayang kasi medyo madami na rin na sitewide links eto at ang isa pa eh yung ibang journalist ay dito nagsusurf at kumukuha ng info tungkol sa sitwasyon ng migrant workers sa South Korea. Naghihinayang din ako sa mga important log-IP’s na mula sa mga kilalang tao worldwide at mga news agencies. Pero bagamat down na ang Sambayanan Online , nagpapasalamat ako and I am happy working with Sambayanan Online Web Development Team ( si Grace Fikingas bilang Editor, Si Arlene Tolentino website planning and development, si Beup Fernando as contributor, si Warly Guerra sa server tech. support at kay Jolan Formalejo, Jessie Mutoc, at si Vic Butac na nagpakita ng interest sa pagsasa-ayos ng website) . Salamat din pala sa mga nagsurf at nadismaya sa napakabagal na updates, at higit sa lahat sa Kapwa ko migranteng Pinoy dito sa Korea for being the scripts, the pages, the links, thanks for being www.sambayanan-korea.net . Salamat din sa 3 taon tayong magkakasama online…
Ika-22 ng Hunyo
Nagsisimula na akong bagtasin ang bagong numero sa buhay ko, medyo maraming nawala at may napagdagdag din, ganun pa man salamat sa mga engkwentro at patuloy pa rin akong mag-oonline mapa-blog man at mapa messenger…… CIAO

Muling paglayag ni Jun at Friday, June 25, 2004
|Monday, June 07, 2004
Balik-tanaw nAPO
Medyo napapagsentihan ko ngayon ay mga awitin ng APO at salamat naman at mayroon available na mp3 sa kanilang site, kaya naka -jack lang ang link sa kanilang site, dahil wala akong disk space to save mp3's hehehehhe. Kaya enjjoy muna tayo sa bagong background music ko ngayon na Pumapatak na Naman ang Ulan.
Bilib talaga ako sa 35 years na existance nila at parang isang Down Memory Lane and a Glimpse of my Youth (heheh tanda ko na). Kaya salamat na lang dun sa mga naunang background music na nagustuhan naman ng ilang naging bisita ko dito sa site na ito.Yung palang mga naunang music background ay ang Pogosipda (Missing you) ni Kim bum Soo at yung sumunod na Walking Away ni Craig David.

At syempre Araw ng Kalayaan ang tema ng buwan ito, kaya pinoy muna ang aking background music. Pinoy na pinoy mula sa Proud Filipino Artist na APO. Bisitahin nyo nga pala ang site ni Sir Jim
Muling paglayag ni Jun at Monday, June 07, 2004
|Friday, June 04, 2004
Saan na Napunta ang Panahon?
Isip ay lulan ang mga pangyayari, mga ala-ala ng nakaraang panahon sa piling ng mga saksi ng aking kabataan. Ilang panahon at tag-lagas na rin ang dumaan, subalit kailan man ay hindi pa rin nagmamaliw sa aking isipan ang sarap ng samahang barkada.Muling babalikan ang mga araw na walang ini-isip kundi lumayag at tumuklas ng mga bago sa panlasa, maging ito mga uri ng alak, bisyo, at kung ano-anong mga bagay na maaring pagsaluhan naming magkakaibigan.
Subalit ang pagbabago ay laging nariyan at hanggang sa humantong ang isang Barkada na pinagtatagpo na lamang sa hiwaga ng mga sapot ng cyber space, nagkakasya na lamang tumagay sa pamamagitan ng online inuman. Pero hindi pa rin nawawala ang kulitan, kumustahan ngunit biglang mananahimik kung muling sasagi sa isip ang isang simple at payak na buhay noong aming kabataan. Mga mata’y tila mananamlay sa tuwing maaala-ala ang mga kaibigan tuluyan na ngang lumisan.
Pero malagas man ang dahon sa tangkay ng panahon, kumulubot man ang balat at pumuti man ang buhok ay hindi mawawaglit sa isipan ang saya ng nakaraan pagkakaibigan. Mga istorya ng kahapon ay lagi pa rin mapag-uusapan kung magkakakaroon ng mga pangyayari at pagtatagpo ngayon. May kani-kaniyang man kaming buhay, pamilya at bagong kaibigan ay mananatili pa rin buhay sa ala-ala ang panahon ng aming kabataan, panahon ng ATG.

Nagsimula ang lahat sa may de Guia.
nagsama-samang' labingdalwa'.
Sa kalokohan at sa tuksuhan,
hindi maawat sa isat-isa.
Madalas ang istambay sa capetirya.
Isang barkada na kay' saya.
laging may hawak-hawak na gitara,
konting hudyut lamang kakanta na.
kay simple lamang ng buhay 'non,
walang mabibigat na suliranin.
problema lamang laging kulang ang datung.
saan na napunta ang panahon.
Saan na nga ba, saan nanga ba?
saan na napunta ang panahon.
Subalit ang pagbabago ay laging nariyan at hanggang sa humantong ang isang Barkada na pinagtatagpo na lamang sa hiwaga ng mga sapot ng cyber space, nagkakasya na lamang tumagay sa pamamagitan ng online inuman. Pero hindi pa rin nawawala ang kulitan, kumustahan ngunit biglang mananahimik kung muling sasagi sa isip ang isang simple at payak na buhay noong aming kabataan. Mga mata’y tila mananamlay sa tuwing maaala-ala ang mga kaibigan tuluyan na ngang lumisan.
Sa unang ligaw kayo'y magkasama,
magkasabwat sa pambobola.
Walang sikreto kayong tinatago,
O kaysarap ng samahang barkada.
nagkawatakan na sa kolehio,
kanya-kanya na ang lakaran.
kahit minsanan na lang kung magkita,
pagkaka-ibiga'y hindi nawala.
At kung saan na napadpad ang ilan,
sa dating iskwela'y meron' ding naiwan.
Meron' pa ngang mga ilang nawala na lang,
nakaka miss ang dating samahan.
saan na nga ba, saan na nga ba?
saan saan na nga bang' barkada ngayon.
Pero malagas man ang dahon sa tangkay ng panahon, kumulubot man ang balat at pumuti man ang buhok ay hindi mawawaglit sa isipan ang saya ng nakaraan pagkakaibigan. Mga istorya ng kahapon ay lagi pa rin mapag-uusapan kung magkakakaroon ng mga pangyayari at pagtatagpo ngayon. May kani-kaniyang man kaming buhay, pamilya at bagong kaibigan ay mananatili pa rin buhay sa ala-ala ang panahon ng aming kabataan, panahon ng ATG.
Ilang taon din ang nakalipas,
bawat isa sa ami'y tatay na.
nagsusumikap upang yumaman,
at guminhawang kinabukasan.
Paminsan-minsan kami'y nagkikita,
mga naiwan at natira.
At gaya nung araw namin sa may de Guia,
pag magkasama ay nagwawala.
Napakahirap malimutan,
ang saya ng aming samahan.
Kahit lumipas na ang iilang taon,
magkabarkada parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkaibigan parin ngayon.
Magkaibigan, magkaibigan magkabarkada parin ngayon.
Dahil nga lahat ay sasagarin para sa samahang barkada, eto na mga pare request nyo na ipost ko ang pics ng baby n'yo. Ang Bagong Gang ng Bubble Gang Part 2
Muling paglayag ni Jun at Friday, June 04, 2004
|Tuesday, June 01, 2004
Mga Bago dito sa bagong bihis na weblogs ko.. Unahin natin ang designs naks , sana magustuhan nyo ang color scheme na ginamit ko at ang ibig sabihin nga pala nung Korean character eh ( My Never Ending Story heheeh) pede na rin kayong mag-comments sa bawat posting ko, i-clcik nyo lang yun Tittle kung saan gusto nyo makilayag ( comments ) sa Recent entries Link. Yung guestbook pala at ibang mga links sa Here ay under-construction pa. May mga added features pa ako sa susunod na linggo. Salamat sa inyong pagtangkilik at malamang pede na akong maging sikat kagaya ni Dao Min Shout hehheh o kaya ni HERO heehhe (Panes : adj; nde pwedeng kainin heheh)
Parang ganito ang tema ng artikulong aking nais habihin kanina, kaya lang tinamad ako hehehehe... Ang title sana eh Minsan akoy Humabi ng Lagusan. Pero tuloy ko ito.. abangan nyo na lang mga Pips...
Eto pala yung lits ni elaine

Sino sila para husgahan ako?
Ni : Elaine Schatz
Ako ay isang simpleng tao lamang
Pinipilit mamuhay ng marangal.
Lahat ng kilos ko ây naa-ayon sa batas,
Batas ng kapwa ko nilalang.
Sa lahat nang aking ginagawa
Unang iniisip ko’y kung ano ang sasabihin ng iba.
Kung ang nais ko ay di tatama sa panlasa nila,
Ito ay nananatiling pagnanasa na lang nga.
Pero sa ganitong paraan, sino ang napapligaya ko?
At para kanino ba ang buhay kong ito?
Sa aking pagsunod sa batas ng tao
Nahahadlangan pati kaligayahan ko.
Basta ang batas ng Diyos ay di ko sinusuway
At ang kapwa ko ay di ko natatapakan
Tainga ko ay akin munang tatakpan
Para masunod ang sariling kagustuhan.
Tutal naman sa tuwing ako’y nadarapa
Mag-isa rin akong tumatayo.
Sa bawat tagumpay lang sila naririyan
At sa mga papuri ay nag-uunahan.
Ngayon ay aking natutunan
Mga komento nila ay ipag walang bahala
At kung ako may ay muling magkamali
Sino ba naman sila para ako ay husgahan?
Muling paglayag ni Jun at Tuesday, June 01, 2004
|