Saturday, May 29, 2004
Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea
Nakakulong ngayon ako sa apat na sulok ng aking silid at sinisikap na makabuo ng isang artikulong maghahayag sa mga mababatas ng mga sawing panaghoy at bulong ng kapwa ko kabataang migranteng naninilbihan at nadarayuhan dito sa bansang Korea. Nagsisikap na baka sakaling pakinggan ang karapatan halos ilang taong ipinaglaban ng mga nauna sa amin. Nag-iisip kung paano isisiwalat ang mga pangambang halos araw-araw naming iniisip at kinakaharap.
Nagsimula ang mga pangambang ito buhat noong kami nagdesisyong magtrabaho at manitili sa bansang ito ng walang legal na pahintulot ang Pamahalaang Korea. Pero ano ba ang nagtulak sa amin para yakapin ang ganitong sitwasyon. Ilan sa mga dahilan ay upang makapagtrabaho at makahanap ng isang kompanya at amo na mayroong panggalang sa aming pagkatao. Ang kompanyang maka-pagbibigay sa amin ng isang simple at ligtas na lugar upang kami manatili at irespeto ang karapatan naming bilang manggagawa. Kasama na rin dito ay ang kompanyang magpapasahod sa amin ng naayon sa oras ng aming ipinagtrabaho. At higit sa lahat ay ang kompanyang mamahalin kami bilang tao.
Subalit taliwas at eksepsyunal sa aming paniniwala, karamihan pa rin sa amin ay naabuso at naging biktima ng sistema ng ilang mga ganid na amo. Ang gipit na sitwasyon ang kanilang sinamantala upang mapayaman at paunlarin ang isang maliit nilang negosyo. At dahil nga mura at puwede ang delay na salary namin ay nakasalba ang kanilang kompanya hanggang sa mapabilang sila sa ilang mauunlad na pagawaan dito sa Bansang Korea. At eto pa rin kami patuloy na kumakapit sa patalim at ang karapatan ay tila ibinaoon na lamang sa aming mga puso. Umaasa at patuloy naghihintay ng isang malinaw at deretsahan aksyon ng ating pamahalaan.
Ang mga pangyayari at sitwasyong ito ay hindi na lingid sa buong peninsula,at maging mismo sa bayan natin, ganyundin hindi na rin maikakaila ng bansang ito na kailangan pa rin nila ang serbisyon ng mga dayuhang maggawa. Ang masakit nito baket tila ang mga mam-babatas, lalong higit ang taggapan ng Minsitry of Justice ng Korea at lalong higit ang sarili nating pamahalaan ay hindi nila nakikita at nararamdaman na katulad din kami ng kanilang mga anak . Isang ordinaryong kabataan na sa murang edad ay nakipagsapalaran at nanilbihan sa kanilang mga maliit na pagawaan. Mga kabataang halos pitong taon nag-alay ng talino, oras, sarili at may malaking ambag sa kanilang lakas paggawa. At ano ang kapalit nito? Ang huminto sa aming pag-aaral at iisantabi ang mga pangarap na maka-pagtapos ng pag-aaral. Isang kabataan tinalikuran ang saya , habang ang nagpupumilit na tumulong sa pamilya namin na nasa Pilipinas. Isang kabataang biktima ng kahirapan.
Mapalad naman ang ibang nabiyayaan ng bagong Batas na pinairal ng Ministry of Justice (Employment Working Permit)ng Bansang Korea at agad na tinanggap ng ating pamahalaan sa katauhan ng Labor Sec. Patricia Sto Tomas. Ang batas na tila para lamang sa kapakanan ng kanilang bansa para maisalba sa kahihiyan sa buong mundo. Ang batas na aalo sa pandaigdigan pamilihan na kalimitan ay ang mga bansa din namin mula sa Asya Pasipiko at mga mahihirap na bansa na may malaking bilang na maggawa dito sa Bansang Korea. Ang batas na naghatid ng isang malaking domino effects sa pagbagsak ng inyong ekonomiya dahil sa epekto ng pagbagsak ng maliliit na pagawaan pinaggagalingan ng mga raw materials ng mas malalaking kompanya na kung saan nadoon kami. Ang batas na naghatid ng malaking labor shortage sa mga manufacturing sector. Ang batas na naghahatid sa amin ng isang malaking pangamba sa napapabalitang Mass Repatriation sa buwan ng Agusto.
Sa kabila ng mga panaghoy ng ito ng manggagawa pinoy dito sa bansang Korea ay baket patuloy pa rin itinutulak ng Pamahalaan natin ang ilang libong pinoy na dumagsa sa tanggapan ng POEA noong nakaraang buwan.Baket hindi muna ayusin ang problema at kalagayan ng ilang libong maggawa na nagtiis at napabilang sa palabigasan ng kaban ng bayan.Baket hindi muna ayusin ang sitwasyon ng mga TNT o illegal na manggaawa lalong higit ang problema ng mga naguguluhan kababayan natin na ng mga kababayan natin na nakakuha ng E9 visa (EPS). kailangan muling pag-aralan at sanay siguraduhin ng ating pamahalaan kung maibibgay ba talaga ang karapatan ito at masasagot ba ng bagong batas na ito (EPS) ang panaghoy ng mga kabataan at pagkalahatang migrante dito sa Sotuh Korea.

Instead of resolving the problem, the Philippine government is “now intently focused on the ‘new batch’ of OFWs they’re about to send because of the remittances and state exactions the Philippine government will get in exchange,” said Mark Padlan, Asia Pacific Mission for Migrants Korea coordinator. more info at bulatlat.com
Sa kabila ng mga panaghoy ng ito ng manggagawa pinoy dito sa bansang Korea ay baket patuloy pa rin itinutulak ng Pamahalaan natin ang ilang libong pinoy na dumagsa sa tanggapan ng POEA noong nakaraang buwan.Baket hindi muna ayusin ang problema at kalagayan ng ilang libong maggawa na nagtiis at napabilang sa palabigasan ng kaban ng bayan.Baket hindi muna ayusin ang sitwasyon ng mga TNT o illegal na manggaawa lalong higit ang problema ng mga naguguluhan kababayan natin na ng mga kababayan natin na nakakuha ng E9 visa (EPS). kailangan muling pag-aralan at sanay siguraduhin ng ating pamahalaan kung maibibgay ba talaga ang karapatan ito at masasagot ba ng bagong batas na ito (EPS) ang panaghoy ng mga kabataan at pagkalahatang migrante dito sa Sotuh Korea.
Muling paglayag ni Jun at Saturday, May 29, 2004
|Friday, May 28, 2004
She's the new APPLE in my eyes.. The new shunshine in my life...
Nagsusulat ako ng isang entries para sa aking bagong pag-ibig, pero naisip ko na ipost na lang ito sa aking kaarawan. Kaya para dun sa mga nangungulit sa akin kung sino yung New found love ko....She's the new APPLE in my eyes.. The new shunshine in my life... +)
Here it goes....... yahoooo........
YOU ARE THE SUNSHINE OF MY LIFE
You Are The Sunshine Of My Life
That's Why I'll Always Stay Around
You Are The Apple Of My Eye
Forever You'll Stay In My Heart
I Feel Like This Is The Beginning
Though I've Loved You For A Million Years
And If I Thought Our Love Was Ending
I'd Find Myself Drowning In My Own Tears
You Are The Sunshine Of My Life
That's Why I'll Always Stay Around
You Are The Apple Of My Eye
Forever You'll Stay In My Heart
You Must Have Known That I Was Lonely
Because You Came To My Rescue
And I Know That This Must Be Heaven
How Could So Much Love Be Inside Of You

Muling paglayag ni Jun at Friday, May 28, 2004
|Wednesday, May 19, 2004
May bagong gang sa Bubble Gang…
Ilang dekada na rin tayong pinatawa at panandaliang nakalimot sa kabalintunaan ng mundo ng sit-com na ito ng GMA7. Kwela at hindi nakakasawa ang kanilang mga segments at style ng pagpapatawa. Lalo na at nagsisilbing refresher nito ay si Ruffa Mae. Medyo bihira na lang ako makapanood nito dahil wala naman ang kapusong channel 7 dito sa South Korea at nagkakaroon lamang ako ng tiyansang makapannod kung nakakasumpong ako recorded segments na mabibili sa pinoy stores kung linggo. Isa rin sa taga subaybay at namimilipit sa kakatawa habang nanonood nito noong araw (atg times) eh si James. Lagi naming subaybay ang mga episode/segment nito.
Nagulat naman ako at sobrang napatawa sa email ni James sa akin na may attached pics ng kanyang pang-3rd CJ. Sobrang nakaktuwa si CJ3 at parang sinadya ang pagkakakuha at talagang pang-poster ng isang comedy films ang dating. Kaya naisipan ko na since paborito ni James ang Bubble Gang at panigurado akong yung kanyang mga CJ lalong higit si CJ3 ang umaaliw sa kanya sa buhay niya ngayon eh sinubukan ko na –render kasama ang Bubble Gang. At narito ang
LINK kung saan pede ninyo maview at sana'y mautas din kayo sa kakatawa sa
NEW CAST OF BUBBLE GANG.

Muling paglayag ni Jun at Wednesday, May 19, 2004
|Saturday, May 01, 2004
Si Ajusi at ang Six ober Forty Five
Nagtataka ako kung ano ang karismang ginagamit ng Ajusi ( isang matandang lalaki) at tila hindi nagmamaliw ang pila ng mga taong nasa kani-kniyang walks of life na nagmistulang fans club ng matandang ito sa tuwing sasapit ang araw ng sabado.
Sikat na sikat ang matandang ito sa lansangan ng Kangdong-dun sa may bus stop na malapit sa lagusan ng Subway Station. Lahat ay tila nagmamadali at hinahabol ang oras sapagkat magsasarado na ang tilon ni Ajusi sa pagpatak ng alas-otso ng gabi. Lahat ay naghahangad na makuha ng isang autograph na ginagawa sa isang computer machine at ang bawat titik ay katumbas ng mga numero. Mga numerong isa-isang pinag-isipan kasama ang paniniwalang ito ay maswerte na maaring kapalit na kaginhawaan ng buhay.
Ewan ko, pero parang ito ay larawan ng isang desperadong mamamayan na naghahangad ng instant yaman, pero baket at ano ba talaga ang hiwaga mayroon sa autograph ni ajusi at kailangan magbayad muna sila ng 2,000 won kada isang set ng pirma at kung sakaling sila swertihin ay maaring na silang hindi magtrabaho ng habang buhay. A day in a life nga ang tawag ng iba, a chance of a lifetime. Dito maari silang magkaroon ng tiyansang makapamila sa kung anong bansa ang gusto nilang puntahan at pasyalan, sa kung anng bagong modelo ng bahay ang ipapagawa at bibilihin, mga aristokradong tao ay maari din makasalamuha.
May nakapikit, mga humihingi ng himala habang sinusulat ang mga numero, mga numerong para sa kanila ay maaring kapalit ng walang hanggang kaligayahan at kasaganaan. Lotto 6/45 : yan ang sikreto ni ajusi na sinamahan ng maswerte niyang mga ngiti. Kaya naman kahit sobrang haba ng pila eh naki usyoso rin ako para magpa-autograph pero teka lang hindi naman ako gaanong kadesperado, I just dream , believed and maybe I will be the next millionaire, at syempre sisikat na ako niyan pag-nagkataon, muli na naman magbabalikan ang mga dating kakilala, kaibigan, kainuman na sa panahong nanghihina ang aking paniniwala ay unti unti rin silang nawala. Pero okey lang isasakay ko na lang sila sa aking bagong expedition hopefully… hopefully….. At syempre pede na kaming magpakasal si Pamie (o yan extra ka na ha dine)
Kaya sa Sabado sa dati pa ring oras hanggang alas otso ng gabi muli na naman rarampa si Ajusi… Abangan….

Muling paglayag ni Jun at Saturday, May 01, 2004
|