Jump to navigation

 

 

Sunday, November 28, 2004

Lotto 6/45, Instant Visa, Web Surfing etc...

Masyado akong nalibang sa bagong design na ibaan.net at halos mga 6 hrs akong nag-surf at nagpost sa forum ng kung anu-ano na. Maganda itong paraan para makalimutan ko yung jockpot ng 6/45 Lotto ni Ajusi(matandang lalake)at ang instant visa( sa US, Canada, UK o kahit saan) na hangad ng maraming pinoy para makatakas sa fiscal crisis sa Pinas...

Bukas-sara sa aking browser(nde ko pala browser to, hiram ko lang ang PC hehehhe) ang Ibaan.net, sarap sanag umuwi muna at magbakasyon ( yun eh kung pede hehehhe) pero paano ka nga baga uuwi kung may mababasa kang ganito...

"He's (probably) the only poet that sells soap on the web"

My friends are probably wondering on my whereabouts after the ultimate fall of the fabled Shop that Never Sleeps. You know Philippine economy, struck by fiscal crisis and allegations of corruption in government, there’s no way a small technology-based and not to mention, electricity-hungry business such as the one I’ve had for a time, can survive. Oh, how I wish I could leave the country with my wife right now and join many of my hardworking countrymen and women in some great and odd jobs. Consequently, in the absence of productive work to do, mixed with my growing impatience over a job offer that’s supposed to come from overseas after paying a huge sum, I got nothing to turn to but the Internet and from there discovered great learning and earning opportunities. <<<<< more


Tapos kapag natapos mo na basahin at gusto mo mag-enjoy at magbasa ng kung ano para mailihis at takasan ang reyalidad eh magtatapos ka sa article na ganito...

Despite the hardships of our situation, I still feel lucky. Many families fall apart because they could not stand the pressure of their alienating situation.. Bitter sacrifices end up to nothing for many Filipinos who come home in cadaver bags. Some disappear never to be found. I derive a humble happiness in the fact that my family is still intact and that my parents are still alive.

Many times I wish things are different for our country so that families need not be separated to survive. I know that my mother would not leave if her income from selling rice is enough to raise a family. My father was forced to migrate after being retrenched from his work in the South Harbor. My sister would have chosen to settle here if her office would not continue to relegate her as a casual employee.

On his last visit here two years ago, my father told me that life in another country as a second-class citizen is not good. But it is better to be a second-class citizen which pays enough to sustain a family than to eke out a living here and die from hunger and poverty.

For me, what remains to be the most compelling argument why our society must keep its people together is that when you feel the urge to express your love for your family, the painful reality is that you need to have a visa, a passport, and a plane ticket to see them or that you need to have a telephone to fulfill this basic human interest. I have to add, you need money, lots of money to acquire these tools of communication. <<<<< more


Ngayon paano nga kaya, paano kaya kung biglang mapauwi, sigurado namang may naghihintay din na saya kasama ang pamilya pagkatapos ng 7 taon pagka-miss sa isa't-isa pero siguro ilan buwan lang din eto at mapaplitan na naman ng pagkabahala kung makikita mong numinipis ang bulsa at parang kay labo ng opurtunidad kaya mag-iisip na naman umalis kunin ang passport at ipasa sa kung saan-saan recruitment agencies na pagkakamahal naman ng lagay... Kaya yung paglilibang at pagka-enjoy ko sa bagong design ng ibaan.net ay itutuloy ko na lamanag sa isang araw dahil kung saan-saan ako nakaksuot... kaya isasara ko muna ang aking browser at i-turn off ang power ng computer.. babayuuuu

Muling paglayag ni Jun at Sunday, November 28, 2004

|

Friday, November 19, 2004

Nais ko ibihagi sa inyo ang tulang pinadala sa akin ni Manolito Sulit , ang kalapating nagpasilong at nagpakilala sa akin sa tunay na mundo ng panitikang Pilipino.


Bayani

ni Manolito Sulit


Ganyan ang kanilang kasaysayan: aalis sila

Upang hanapin ang kalayaan, dati’y mula

Sa isang mananakop, at ngayon, sa kahirapan;

Hindi sila naiiba sa isang bayani ng epiko,

Umaalis para makipagsapalaran, magbabalik

Para bawiin ang kaharian, para magpakasal;

Hindi lahat, gayunman, ay ganyan ang kapalaran,

Gaya nina Rizal, Ninoy, at Contemplacion;

Bawat araw napatutunayan nating sayang lang

Ang kanilang kamatayan, dahil kaybabaw

Ng pagkakapunla ng aral sa ating mga pagkatao;

At inuulit-ulit lamang natin ang mga kwento

Ng pagsakop, ng pagkaalipin, ng pagtataksil;

Ang inakala nating pagpapatawad at paglimot

Ay tahasan palang pagwawalambahala,

O ang katamarang maghanap ng solusyon,

At ang karuwagang harapin iyon; sapagkat

Malungkot ang mag-isip, at ang gusto nati’y

Magsaya; kaya tama na ang isang mamamatay

Para sa lahat; husto na iyon; natubos na niya

Ang ating mga kaluluwa, at maglalaan tayo

Ng isang araw para siya’y alalahanin, hanggang

Makalimutan natin kung para saan iyon;

Gaya ng katubusang hatid ng mga OFW

sa maraming napasanla—lupa, katawan, at

maging kaluluwa ng bansa—upang makatawa

Ang mga naririto habang sila roo’y binabaka

Ang kakaibang alimuom, wika at pagmumukha,

Hanggang masanay sila sa nararamdamang

Kaliitan, at ituring na iyon mismo ang halaga nila,

Ang papel ng Filipino sa isang bansang seryoso

Na may malalaking layunin at ambisyon sa mundo;

Lahat tayo’y handang gawin ito pagdating

Ng pagkakataon; nagkapare-pareho rin tayo;

Iyan na marahil ang tinatawag na kultura;

Kaya nang pinalad na makaalis si Felipe, Sr.,

Hindi lamang kanyang mag-iina ang masaya,

Maging ang gobyerno; nabawasan kasi ng isa

Ang pinangakuan ng Pangulo, at nadagdagan

Ang magtutustos ng dolyar sa ekonomiya;

Ang mahalaga ay ang tiyaking hindi ito

Babagsak sa kanyang termino, at mapatunayang

Mas mabuti ang may PhD sa ekonomiks

Kaysa wala, o ang mapabilang sa koalisyon

Kaysa walang kabilangan, at ang makinabang

Sa pagbagsak ng isa pang kawawang bansa;

Sukat ka bang idolohin, ha, Angelo dela Cruz?

Kung ang pakinabang na iyo’y sinilo mo

Sa munting siwang ng talim sa iyong leeg?

Paano haharapin ng ibang hindi nakinabang

Ang nakaambang pagtaas ng presyo ng pandesal?

Magpapatuloy ang pangingibang-bansa, pila-pila,

At mula roo’y isusulat nila sa atin ang disiplina,

Ang kalinisan, at ang kamurahan ng tinapay;

Pagkat ang kakayahang bumili ng pandesal,

Ay isang seryosong usaping pang-ekonomiya;

Hindi ito dapat balewalain ng Malaca?ang,

Dahil maaaring ilunsad ang isang rebolusyon

Sa islogang, “Kapayapaan, Lupa, Pandesal;”

Ito na nga kaya ang rebolusyong magpapauwi

Sa mga anak para sa naghihingalong ina?

Sino kaya sa kanila ang magpapakaabala?

Aarkila na ba tayo ng masasakyan, at kahit

sa lugar ng digmaan, bibigyan natin ng puwang

Ang pananabik? Iinom ba tayo, aawit habang

Nakamulagat sa alindog ng malaking TV?

Maging kasintamis kaya ng dati ang tsokolate?

Paano kung isang sulat lamang ang dumating,

Hindi kapatid, ni isang pumapayag na bayani?

Gigiyagisin kaya ang kalooban natin ng tagubiling:

“Ipalibing n’yo na… kulang pa ba ang aming padala?”

Hahantong tayo sa pinakadulong tuldok,

Na hindi mawari kung ano yaong nawawala…

At buong akala nati’y—buo silang magbabalik.

Muling paglayag ni Jun at Friday, November 19, 2004

|