Jump to navigation

 

 

Wednesday, July 28, 2004

Halo-halo sa Tag-init

Parang isang delubyo ang init na nararamdaman ngayong tag-init. Maraming mga bagay na nakaka-ligtaan at maraming mga ideyang humihila sa aking isip para magsulat , subalit sa bawat pagtapak ng aking mga daliri sa mga letra ng aking keyboard ay isa - isa silang nagsisilisan sa ispasyo ng aking isip.

Marahil dala lamang ito ng pagod na isip, mga di iniaasahang pangyayaring nangangailan ng higit na atensyon... Narito ang mga nais kong isulat pero saka na lang kapag lumaya ng muli ang aking isip sa Halo-halong init ngayong tag-init.

Taguan - ito ay tungkol sa nangyayaring crackdown dito na magsisilbing follow-up ng Panaghoy ng Kabataang Migrante sa South Korea .

May Ulan sa di Tamang Panahon - ito ang nakaraang pag-ibig na muling binibuhay sa pamamgitan ng cyber space( kwento ng aking kumpareng mahlilig sa tocino at longganiza).

My first and Last Eb - eto yung kauna-unahang Eb ko sa mga nakilala ko sa chat.

Gunita ng mga Migranteng Mamamahayag - para naman ito sa mga manunulat na pinoy dito sa South Korea at ang tungkol sa kanilang pakikipaglaban para sa karapatan ng Migranteng Pinoy sa South Korea.

Sana maisulat ko na... sana ! sana!


Muling paglayag ni Jun at Wednesday, July 28, 2004

|

Monday, July 19, 2004

Would i be in the Philippine weblogs award ?
 
Minsan ko na sinubukan sumali sa Philippine Web Awards using Sambayanan Online as my entry pero hindi ako nakarating hanggang semi-final, marami kasing typos at kulang kulang ang links (pero Best in cyber pinoy eto sa Tanikalang Ginto). Pero okey lang atleast i tried hehehehhe. Now eto naman ang Philippine Weblogs Award ( to the tune of 500 plus blog exposure). Hindi naman siguro importante yung prize at pinakamahalaga lang eh yung tittle (as if kung mananalo?)
 
Kaya i have to cross my fingers this time, sana ma-aproban nila ang entry ko and hope na maka-abot hanggang finals. Hmmm kaya ang question mark ngayon eh ! Would i be in the Philippine weblogs award ? Try nyo nga i-judge sa nakilayag links please please please. hehhehehe

Muling paglayag ni Jun at Monday, July 19, 2004

|

Sunday, July 11, 2004

A Prayer for Angelo dela Cruz

This is the email forwarded by some of my friends and I am reproducing here a Prayer for Agelo dela Cruz.


Dear Friends, Fellow Bloggers and Surfers,

I am requesting you to spend a few minutes of your time to pray for the deliverance from danger of a fellow Filipino Angelo dela Cruz who is currently being held hostage by Iraqi extremists. Today is the deadline given before they behead him and let us join hands in asking God to touch the hearts, souls, and minds of his captors to release this man.

"O dear God come to the aid of Angelo dela Cruz, make haste to help him.Have mercy on him, deliver him from danger and protect him with your most sacred light, in Jesus name we pray. Amen"

You can also log at the following links listed below for the latest news about Angelo de la Cruz, the Filipino hostage in Iraq.


Lowly truck driver unites a divided nation

The Filipino Youth for Peace

Google News

Muling paglayag ni Jun at Sunday, July 11, 2004

|

Friday, July 09, 2004

Kwento ng isang KARIR man

Karir ito daw yung isang bagay na ginusto mo na maging ikaw o pinipilit mo na maging ikaw. Maaring ito ay karir sa trabaho, karir sa pag-ibig (panliligaw) at marami pang iba. Kaya kung gusto ninyo malaman kung ano para sa akin ang salitang ito, tumahimik muna, kumuha ng lapis at kwaderno dahil ngayon tatalakayin natin ang isang klase ng karir.

Paki-usap bumilang ng tatlo para masimulan na natin at bawal ang umutot habang akoy nagkukwento.

Isa
Dalawa
Tatlo : GAME


Sige! sulong, deretso lang ang banat , kailangan na ipakita ko ang aking multipol karakter, kailangan patunayan ko na may multipol talent ako para deretso ang pangangarir. At syempre kagaya nung unang engkwentro ko sa mga singkit na ito nung nag-aplay ako sa kumpanya nila.

Dzune : Sajang Nim : Yogiso Saram Soyo ( Sir! Any Job Vacancy here.)
Sajang Nim: Did you speak English?


Okey medyo naka 50 points na agad ako …

Dzune : Yes sir! I can speak English.
Sajang Nim: You British Accent!
Dzune: hahahaha you are kidding sir.
Sajang Nim : Mr. Dzune! You what degree in university .


Abah 25 points na lang pasado na siguro ako, ano kaya kung magyabang ako? Trading company ! hmmm! Ano kayang magandang kurso ang masabi ko. Ah! Alam ko na grad ako ngayong araw na ito sa kursong Batsilyer ng Siyensa sa Pakikipagkalakalan , samahan pa na natin ng Batsilyer ng Siyensa sa Kompyuter Promgramming at Batsilyer ng Siyensa sa Pakikipagtalastasan. Okey na kaya ito, nde kaya ako mahalata? Sige okey na ito, tutal may oras pa naman ako para mag-skip at mai-edit ang aking Resume na Bitbit.

Sajang Nim : go here after luch.
Dzune : (in American accent o slang ) Okey sir! Thank you very much .


Parang malakas ang kutob ko maswerte ako ngayon araw na ito, sa titig palang saken nung singkit at yung iba pang staff ng kumpanya this is the day that the Lord has made. Kaya pagbalik ko, hindi ko pa naii-abot ang aking ni-reproduce at ini-edit na Resume at tinatanong na agad nila ako kung kailan ako magsisimula. At syempre, ilang months din akong tambay kaya nagsimula agad ako after two days.

And this is the Story of my Cheese.

Taeri Nim: Mr. Dzune, sikchang yogisoyo ( this is your Table)

Okey to ah, hanef! Isang malapad na table, isang Pentium 4 na computer, isang kalendaryo, sampung ibat ibang klaseng ballpen, memo pad, organizer at yung mug ng dating nakapwesto sa lugar na ito. At ang masarap pa nasa dulo na pinaghihiwalay ng partisan sa tabi ng table ng kwajang Nim ( Supervisor ). Ayos na siguro ang buhay ko dito, at parang wala masyadong ginagawa at hindi pa rin ako binibigyan ng gagawin, kaya naman medyo gusto ko malibang sabay download agad ng yahoo messenger at msn messager. Pero syempre first day kailangan magpasiklab, at yun naging front ko kung sakaling may lalapit sa akin at alam ko na may nakatingin ay ang adobe photoshop na kunyari pinag- aaralan ko ang mga designs ng product nila. Hanggang sa lumapit sa akin yung kwajang nim para kunin ang celfone number ko at ang email na ginagamit ko. Ah kaya naman pala. Gagawan pala ako ng calling card, at alam nyo ba ang nireresearch niya sa internet? Posisyon at titulo ko sa kumpanya. Hanggang sa di ako makapaniwala na ang ilalalagay nya sa akin ay isang import and export specialist. Patay kinakabahan na ako, mukhang mapapasubo yata ako. Ang alam ko lang sa ganitong klaseng kompanya ay yung Price list, Commercial Invoice at Mark up, the rest ay wala na talaga akong ideya.

Hanggang sa dumaan ang ilang araw pero wala pa rin akong ginagawa at nagulat na lang ako ng may dumating na isang mahabang truck na dinig ko ay naglalaman ng mahigit kumulang na 1000 boxes na tig 35 kgs. ang isa.

At unti-unti dumadaloy sa aking katawan ang mga butil ng pawis.

Naaa, okey din ah, sa halos ilang araw na paghihintay ko ng gagawin eh ganito pala ang pinakaka-asam ko na task (ang maglagay sa box ng mga items for delivery). Pero maswerte pa rin ako dahil mayroon naman akong hawak na dalawang tao at ito’y sa katauhan ng dalawang Ajima ( matandang babae) na nag-aarobite (part timer). Halos ganito na ang naging rotasyon ko at ganito ako gumagalaw ng halos ilang buwan ko na pamamalagi sa kumpanyang ito. Ang masakit pa nito sa akin na rin ini-aasa ang pagba-vacum, pagmamap at pagtatapon ng basura o sa madaling salita ako lagi ang cleaner everyday.

Tsk … tsk… tsk

Naisahan ko sila sa aking entrada pero mas nakalamang na yata sila sa akin. Kasi naman ang akala ko pa email email lang na parang isang office correspondence, taga-gawa ng label at designs, tagapagpaliwanag sa kanila ng medyo hinde nila maintidihan na Business email at transactions mula sa kanilang Chinese counter part, at taga sagot ng mga English phone inquiry. Yun pala all around na ako, mapa-opis at mapa janitorial Job eh sige lang, taga pujang (wrapper) at taga buhat ng ilang daan at minsan ay umaabot sa isang libong boxes for delivery, sige banat! pawis at lakas lang naman ang puhunan, samahan pa natin ng kunyaring talent. Hirap na ako at naiisip ko na pasan ko na yata ang daigdig pero sige pa rin ako, basta pagsapit ng katapusan eh alam na nila kung ano ang gagawin ( yung sweldo ko).


Eh kung paglinisin ka kaya ng C. R. kakaririn mo pa ba?

Kwajang Nim : Mr. Dzune use your brain wajangsil chungsohe( Mr. Dzune use your brain , clean the CR)
Dzune : yeah arasumnida ( yes sir! Consider it done) Sows kung si Piolo nga sa pelikulang Milan ay kanarir din ang paglilinis ng CR, ako pa ba kaya na medyo kahawig lang n’ya (hehehehe)


############################
Uy medyo natastch ka ata sa kwento ko ah, naisulat mo ba sa kwaderno at may kunklusyon ka naba kung anong klaseng karir ang sinasabi ko? Buod lang yan at marami pang sekreto akong hinde nabanggit at natalakay, kung anong klaseng karir itong aking napasok. Kung gusto mo malaman click mo yung nakilayag link sa baba nito na katabi ng trackback at magtanong ka. Okey…

Muling paglayag ni Jun at Friday, July 09, 2004

|

Thursday, July 08, 2004

Blocked ang lahat ng mga website/blogs na may extension na blogs, blogspot at typepad dito sa Korea. Medyo kino-control ng Korean Goverment ang pagdidistribute ng video clips ng Kim Sun Il Beheading in Iraq.

Medyo nakakdismaya dahil hindi ko mabuksan ang mga blogsite ng aking berks sa cyber space katulad ni Apol, Elaine at marami pang iba. Pero nakahanap ako ng solusyon at ito ay ang paggamit ng unipeak site. Pede rin pala sa firefox at proxify .

Andito pala yung long letter ni Bighominid regarding sa blockage of various blog sites in Korea.

Muling paglayag ni Jun at Thursday, July 08, 2004

|

Wednesday, July 07, 2004

Seoul to step up crackdown on illegal workers

The government crackdown on illegal foreign workers will likely intensify before the foreign work-permit system takes effect next month, according to the Ministry of Labor yesterday. But just 40 days from the launch of the new foreign employment system, the number of foreign workers overstaying their visas increased from 131,000 in January to 150,000 this month, deepening worries about a successful implementation. <<< more


Preparation for the Employment Permit System in full swing one month before implementation (LABOR TODAY 180)

The Employment Permit System (EPS) will be implemented from Aug. 17th. The new system is expected to clear the way for SMEs having workforce shortage problems to depend on foreign workers as a stable source of workforce for at least three years. Employers who want to employ foreign workers in the coming Aug. must go through application procedures within July at their competent Employment Stability Centers (ESCs) under auspices of the Ministry of Labor.

MOL is working on the last stage of preparations for implementation of the system after confirming scale and occupations to employ foreign workers and concluding Memorandum of Understanding with the Philippines, Mongolia, Thailand, and the Sri Lanka. Followings are the changes after the implementation and procedures to employ foreign workers. <<< more


Muling paglayag ni Jun at Wednesday, July 07, 2004

|