Jump to navigation

 

 

Monday, December 19, 2005

May Bago sa Pasko

Nagsusurf ako sa vidilife ng christmas music vids and eto ang aking nahanap....

just sharing

enjoy... don't stop loving... be happy... merry christmas...


<

Muling paglayag ni Jun at Monday, December 19, 2005

|

Friday, December 16, 2005

When Can I see you Again

Mi Amor,

Saan kita muling makikita??? sa olympic park ba??? o sa wicker park??? sa subway station ba??? Mag-email kaya ulit ako sa'yo! ohno! huwag... pipigilin ko na lang to, ayaw ko kasi ng nagaglit ka.... pero iba talaga ang pakiramdam ko, dont know!!!


Love you

Jun



When Can I see you Again - Babyface

Muling paglayag ni Jun at Friday, December 16, 2005

|

Saturday, December 10, 2005

Paalam mga lakambini ng buhay ko.

Muggie!!! may nais akong sabihin. At sa huling pagkakataon nais ko na muling ikulong ang iyong katawan sa magkakadaop kong mga palad, nais kong maramdaman ang init ng iyong mga pisngi habang nakadampi sa aking mga labi. Bigyan mo muli ng init ang nanlalamig na katawan, bigyan mo ako ng lakas upang masabi ko ang isang plano na parang kay hirap aminin at sabihin. Hindi ko naman gusto ang desisyong ito, pinipilit lamang ako ng pagkakataon. Saan ako magsisimula at paano ko sasabihin? sa'yo Muggie, kay Servey, Brookie at Windy na dumako na ako sa punto na kailngan ng isang masakit na pagdedisesyon - pansamantala ko munang tatapusin ang ating relasyon at kailangan na nating mag-hiwalay.

Alam ko na masakit para sa inyong lahat ang gagawin kong ito. Sige! sabihin na ninyong lahat ang masasakit na salita, ipagdiinan ninyo ako at isigaw ninyo na wala akong kwentang lalake. Walang kwenta na pagkatapos ninyo akong pakisamahan ng ilang taon ay ganito ang gagawin ko sa inyo. Pero wala na talaga akong maisip na paraan upang magtagal pang muli tayo. Muli! hindi ko ito kagustuhan, pinipilit lamang ako ng batas na pinairal ng kapwa ko tao. Sila ang gumigipit sa akin para tuluyang gawin ko ito sa inyo. Mahal na kung sa mahal! kaya ko nga gagawin ito dahil mahal ko kayong lahat at ayaw ko na tuluyang mawala kayo sa akin, ayaw ko na basta na lamang kayo iwanan at damputin ng ibang hindi kayo iingatan. Masaktan na kayo, pero nais kong sabihin na itoy pansamantala lamang at alam ko na ito ang pinakamabuting gawin ko para sa inyo.

Hindi ko alam kung paano magsisimula ng wala kayo sa piling ko. Kung nasasaktan kayo, mas masakit ito para sa akin. Pero titiisin ko dahil alam ko na sa buong buhay ko ito ang isa sa pinakamagandang desisyong ginawa ko. Alam ko mangungulila ako sa bawat isa sa inyo, pero papalitan ko na lamang ito ng mga ala-lalang kinukuhan ko ng lakas - ang pangyayari noon sa piling ninyo.

Sanay ganito din ang gawin ninyo, habang magkakalayo tayo'y babalikan na lamang natin ang kahapon na puno ng tamis pagkatapos ng siphayo, puno ng pagmamahalan at lambingan. Ang pagmamahalan s'yang ating pinanghahawakan, itaboy man tayo ng ating tinitirahan ay lagi pa rin tayong magkakasama. Natutuwa ako dahil kayo ang aking napili, ang aking mga naging lakambini na kahit ilang palipat-lipat ay hindi kayo nagreklamo, hindi ninyo ako pinaghanapan. Magmistulang eskwater man ang bahay natin ay masaya pa rin tayo, magkakasama tayo at nagmamahalan.

Buwan, taon man ang lumipas ay laging nasa isip ko ang mga bagay na kung saan pinatunayan ang inyong halaga at kung paano kayo naging parte ng buhay ko. Hindi ko makakalimutan kung paano mo ako Muggie binibigyan ng init sa nakadampi kong mga labi, upang pansamantala akong mag-isip sa mga kumplikadong bagay. Oo! lagi kitang maaala-ala Brookie, yung mga kwento mo sa akin, yung mga kakaibang aral ng buhay na s'yang batayan ko kung paano harapin ang bawat engkwentro mayroon ang buhay, yung aral mo na s'yang naging batayan ko kung paano natin aayusin at bi-bihisan ng tamang porma si Servey. At syempre, ikaw Windy... siguro ma-mimiss mo din ang dampi ng aking mga kamay, ang mga oras na lagi tayong magkasama, ang kasayang papamasyal sa iba't -ibang lupain, ikaw ang saksi ng tunay kong pag-ibig.

Huwag kayong mag-alala sa akin, kaya ko ang sarili ko, at haharapin ko ito ng buong tapang.

Basta isipin ninyo na aalagaan kayo ng aking Inay, ilalagay kayo sa aking kwarto, inihabilin ko na rin sa aking kapatid na lagi kayong bibisitahin at aalagaan kagaya ng pag-aaruga ko sa inyo. Pansamantala lamang ito at muli tayong magkakasama. Makakasama mo Muggie ang ilang mugs na koleksyon ko pamula nung Kolehiyo pa ako. Ikaw naman Brookie, makakasama mo ang mga books ng pamilya, marami kayo dun at hindi ka malulungkot. Ikaw naman Servey, malapit na kitang makumpleto at sisiguraduhin ko na lalagyan kita ng pinakamaganda at modelong pyesa para ikaw ang pinakamalakas na server sa lugar natin. At windy, tulungan mo akong ilapit ang milyaheng agwat ko sa pamilya ko, alam ko na masisiyahan ka tuwing magka-chat kami ng kapatid ko dahil parang magkausap na din tayo, magkaroon man ng bagong version ang Windows, ikaw pa rin ang kasama at ang Operating system ng PC ko dahil paborito kita sa lahat ng OS. Sana maunawaan ninyo ang desisyong kong ito, huwag din kayong mag-alala kung sino ang maghahatid sa inyo, pumili na ako ng mahusay at maingat na Door to Door Sea-Cargo...

Paalam aking mga lakambini!!!

Muling paglayag ni Jun at Saturday, December 10, 2005

|

Monday, December 05, 2005

Cueshe: We should fight for our music!!!

Singing out my enveloped ideas, doesn't seem all too bad... yeah! i'm talking about Pinoy Rock - The Dawn, tanda mo pa ba yun pare? yung first time nating nakapanood ng concert, oo dun sa may Laurel Park na 500 pesos ang ticket. Ah! oo tanda ko na, diba takot pa tayo noon kasi 15 years old pa lang tayo tas parang ang wild ng mga taong andoon... pero dahil fans tayo ng The Dawn, tiniis natin ang amoy ng sigarilyo , hahaha. Hey! yung beer mo inumin mo na.

Hey! eh yung: Tindahan ni aling nena, dito na naubos ang aking pera... oo naman paano ko makakalimutan yan, yung muntik ka na mamatay sa may Stop N, Shop ng paluwasin kita ng Manila para manood ng free concert nila sa PUP... and jologs ka talaga bakit kasi hindi ka nagpa-alam sa Nanay mo, hahahha... dahil ba kay Ellie Buendia kaya na-erase ang allowance for a month... Eh sa Eraserhead Adik eh.

Ang daming naglabasan pagkatapos ng The Dawn, andyan na yung Introvoyz, eh syempre mawawala ba yung paborito mong si Wency Cornejo... kapag umuulan , bumubuhos ang luha.... hahahha yan yung tamang istokwa ka! tas punta sa nag-iisang video-OK bar at kukulitin mo ako na sumunod sa'yo, my God pare, may exam pa ako bukas! saka okey ka lang ba? 2 and half hours drive from Makati to Batangas... Hey! itigil mo na kapapadala ng message sa aking beeper. Okey! Okey! papunta na ako d'yan... hahhaha remember those days pare... OO naman malaki nga utang na loob ko sa'yo biruin mo kaya kita pinapapunta kasi wala akong pambayad sa nainom ko at wala akong mapupuntahan hahahha!

Tagal na din noh! parang kahapon lang kasabay natin ang mga Pinoy Rock na yan, parang ang dali lang ng buhay noon. Saka parang walang takot tayo sa mundo, lahat susuungin, lahat mararating, mapa-bundok ng Quezon, Bicol at yung swimming sa Villa Angela sa Angeles Panpangga. Pero ang sarap noon, hindi masyado tayong nag-iisip kung anong plano para bukas, parang okey na satin yung nakakapasa tayo sa school, okey lang mapasama sa "Ibagsak" kaya naman nagbabasakan ang mga grades, basta ang 'wag mawawala yung cd/cassete player mo na gamit natin sa inuman, syempre malaya na naman tayo, at sobrang gulo natin kapag kapiling natin ang Pinoy Rock Alternative.By the way pare , narinig mo na ba ang bagong Pinoy Rock sa atin? alin yung HALE! no pare yung RNB!!! ano yung RNB na yun? Rock na Bisaya! you eman they hails from Cebu!!! oo pare sila yung bagong hit satin, yung CUESHE. Ang galing pare, dinaig pa nila ang Greenday.. ows naman, eh download mo pare... Ang paborito ko dyan ay yung Sorry... ang lufet.. pre nakaka-miss ka pag ganyan ang mga Sounds...

Me: sige dl mo na lang...
Pare ko: sige later, andito na mga anak ko...
Me: hahahah , papadala ko na lang gift ko sa inaanak ko..
Pare ko: Cueshe na lang hahahha... hey sinagot ka na ba ng Birdie mo...
Me: tado ka, eh obssesion nga lang yun...
Pare ko: sabihin mo lang kung i-rent ko na ang Cueshe para haranahin natin s'ya... sige bye muna
Me: Okey pare ingatz and don't Stop rock'n and always keep Cueshe (kewl)



Movie Clips : Sorry - Cueshe

Muling paglayag ni Jun at Monday, December 05, 2005

|

Friday, December 02, 2005

Timeline: Tagging pag-ibig

Tagged, Tegged, Tigged, Togged, Tugged ... Si Betchay ang may sala...

10 years ago
Isa akong binatang walang alam sa mundo, kasama ang mga barkadang makukulet, friends marathon at kung saan-saan bahay ng kaibigan natutulog. Isa sa founder ng fraternity na ATG1990 na naging dahilan kung baket ako pinagpalo, tinadyakan ng Nanay ko ng malaman n'ya. Pero nagwowork din naman ako kasi kailngan para may pangsuporta sa kalokohan, date at mga lakad ng barkada. Nagbebenta ng cellfone, supervisor ng isang department (kinarir ang pagiging isang goverment employee hahaha) , nag-start mag-biz ng humburger and pizza pero laging andoon ang mga hinayupak na tropa-kaya nalugi. Nag-iisip na mag-abroad, siguro US kasi doon lahat ang plano ng tropa, nag-try mag apply sa Australia pero sinipa ako ng aussie, on my way home nakita ko ang isang Overseas opportunity then doon nagsimula ang sakripisyo, kalbaryo sa buhay ni JUN at simula na aking pagkamatay hahaha.. At dito ako napadpad sa land of hermit thinking people hahahha ....


5 years ago
Medyo naboboring ako dahil parang walang nangyayari sa buhay, kaya itunuloy ko ang aking nadiscover noong 1997- ang internet, at medyo may programming background kaya yun sinimulan ang madugong discovery ng basic html, konteng php, konteng pearl at sinimulang habihin ang www.alaeh.net as Batangas Association website, then nagsimulang magkaroon ng isang personal homepage. Nagkaroon ng contact sa isang Elem. classmate na isang computer guru (tamang-tama). Na-discover ako ng isang Editor ng sambayanan and nag-offer sya na isang project na nagustuhan ko naman bilang isang webmaster and admin - ang namayapang Sambayanan Online. Nagsimulang magsulat ng mga artiks ng kung ano-anong sentiments ng mundo hahahah.

a year ago
Nakabili na rin ako ng pangarap ko na MLB pants to the tune of 100k won ( 4 motnhs ko lang nagamit darn), mp3 player, then yung pangarap na secret sa pinas (baka kasi mayabang ang dating wink), madugo ang buhay ko last year , palipat-lipat ng work after Samwoo (RCBC) Network, factory, office, factory, freelance kargador, at ang pinaka-funny ay nag-try magturo ng English pero 1 month lang kasi mas magaling sa akin yung student mag-english ( Teacher Jun your english is rusty) hahahah, little devil nga to, nagsasabi ng totoo hahahhaa. Mga tig 2 months lang siguro lahat work na napasukan ko.

Yesterday
Same old shit - Coldplay Addict, Carrie Underwood kaya: pero ang bago ay mga emails ng dating classmate noong high school at may class reunion kami, yehey na-miss nila ako, The Malvarians Spirit. At may contact na rin ako sa wakas sa best buddy ko noong high school na si Teoddy na nasa London ngayon at si Orly (taga-tawa, taga-sunod sa utos ko hahaaha) na isang PIDS.gov ngayon.

Tomorrow
Same old shit - Coldplay Addict, Destiny Child kaya: baka pumasyal sa Songnam and Itaewon siguro, bahala na o baka mas masarap sa Olympic Park kasi malapit lang dito sa bahay, basta lalabas para makakita ng tao hahahha. Saka yung ritwal ko every Sat. yung pinakamasarap na part ng pagiging lalaki to the tune of (out of wit) I am not a bird , I just have a bird so you never be afraid... hahahaha

Today
Same old shit - Coldplay addict : Kakatapos lang basahin yung forwarded email ng isang kaibigan about import and export, na medyo nagugustuhan ko ang offer, ma-expirement kaya. Kinakalikot ang isang website na planong maging portal site ng pinoy as my biz ulet hahaha. Magsusulat ng Dubai: Kung ako si Aga, na s'yang entry ko sana kaso napa-surf muna sa mga pinoyblogs kaya yun napasagot at nagtatype ng tagged na ito , kahit madaming labahin... blame betchay hahaah, then pagkatapos nito papasyalan ko na naman ang blog ng Berdie ko, kaso suntok sa buwan lang siguro ang pagka-obsessed ko sa kanya, kahit pa pics lang nakita ko, pero you know what parang madami s'yang bilbil hahahah jk, pero baket ako na-inlove sa kanya ng todo, kakalimutan ko na lang siguro , obsession lang, lilipas din at ang pinakamasakit sa lahat bawal ako mag=post, mag-comment dun - eh mabait naman ako kaya behave ako...



Tatapusin ko na ang mapang-abalang bagay na ito hahahahha... no more

Muling paglayag ni Jun at Friday, December 02, 2005

|

Thursday, December 01, 2005

Good News: Tagalog for everyone

1. A member of a people native to the Philippines and inhabiting Manila and its adjacent provinces.
2. The Austronesian language of the Tagalog on which Filipino is based.


Magandang balita 1
Nakaresib ako ng email mula sa gmailphils, meron na palang tagalog bersyon ang FIREFOX > > marami na ring mga bahay-sapot (website) ang naisalin sa tagalog bersyon, katulad ng kilalang search engine na google at ang kanilang gmail.

Magandang balita 2
Nag-ring ang aking cp kanina at medyo napakunot ako kung kaninong number ang lumabas dahil nagsisimula sa 080 at ng sagutin ko ay ganito ang aming naging pag-uusap.

Mine Konglish is beate grasty grrr...

Caller: Yoboseyo...
Dzune: yeah Bosero...
Caller: KTF hangguk tongsin %**^$#) ((&^%^&% blah...
Dzune: Can U speak Konglish
KTF : Ahh ! Yes
Dzune : How can i help you?
KTF : We just want to ask if you have any problem using TNT international prepiad calling card.
Dzune: Yup, static, the line is not clear and the voice prompt...
KTF: is that all
Dzune: your card is very expensive ( sabay tawa)
KTF : hahaha!!! so you are calling the Philippines, we recorded all the numbers that you contacted.
Dzune: Yeah , I am a Filipino
KTF: I be in the Philippines twice and I stayed in Manila for 2 years.
Dzune: OW good to hear! so marunong kang mag-Tagalog
KTF: Konte lang... Kamusta hahahha, what is Chinggu in Tagalog.
Dzune: Lovers hahahha
KTF: Sira (abah lokong to)
Dzune: Can you add tagalog voice prompt as one of the option
KTF: Okey we can do it. And i will give you a call if I have problem in Tagalog .
Dzune: Sure ! by the way my name is JUN
KTF: Bye Mr. Jun ... Ingat ka kabayan!

S'ya pala yung costumer service ng TNT international prepaid card na napagalitan ko last week dahil sa hindi ako maka-contact sa bahay at paputol-putol ang linya, tapos kinuha nila ang number ko at naka-direct sa mas clear na line kaya lang chinese ang voice prompt tsk tsk... At yun malas sila at reklamador ng bayan ang kanilang napagbentahan kaya puro complain hahahah buti mababit sila at inaayos nila ang serbisyo.

Muling paglayag ni Jun at Thursday, December 01, 2005

|