Jump to navigation

 

 

Thursday, April 28, 2005

Kabalintunaan ng Centennial Housing


... Dahil kailan man ay di ma-aawa ang Gobeyerno
Iisa lang naman ang problema ng isang may makitid na isip at ng mga taong ayaw magsumikap para magkaroon ng karapatan sa isang tinitirikan bahay. Natural lamang na dumating ang pagkakataon na palayasin at kung saan ka na lamang itatapon ng mga iyan.

Ibibigay lamang nila ito pag malapit na ang Election, bilang parte ng kanilang political propaganda at pagkatapos na maluklok ay darating na sa punto na babawiin. Tapos nun mag-mamakaawa sa gobyerno na muling ibalik, yan kasi ang gusto nilang sistema ang kaawaan sila at kunin ang sitmpatya ng medya para sila'y mapag-usapan.

Ganyan ang nangyari sa pamilya ng isang kung kapatid na pinagpalit ang isang desenteng bahay namin sa Batangas ng ang Inay lamang ang nakatira, ang sariwang hangin, ang katahimikan pag natutulog, mga sariwang prutas, ilang pitak ng pig pen na maaring magsimula muli silang bumangon. Pero andoon pa rin sila sa isang plaza, sa isang maiinit na lugar, naghihitay na may maawa, may magbigay ng tulong, ang relocate muli sila sa panibagong lugar, paghihitay na igalang ang kapirasong papel na iginawad ng VP De castro matapos ang ilang taon at buwan nilang pabalik-balik sa Malacanang.

Sa ganitong sistema ng tao, maghangad ka man na mapaganda mo ang buhay at tulungan sila sa tamang paraan ng pagbangaon, pero wala pa rin sa Inay, sa akin at sa mga kapatid ko ang kontrol para ayusin ang kanilang maling pagkaka-unawa at pananwa sa mundo. Sila lamang ang makaktulong sa kanilang sarili at ang tanging lamang magagwa ay ihabilin at sambitin sila aking panalanign.

Muling paglayag ni Jun at Thursday, April 28, 2005

|